IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa malinaw na mga sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Mamamayan
Ang mamamayan ay kasapi ng politikal na pamayanan, lugar, komunidad, o sa isang bansa. Ito ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas. Siya ay mayroon mga karapatan, tungkulin at responsibilidad na dapat tuparin para sa kabuting panlahat.
Responsibilidad ng mga Mamamayan sa Lungsod o Estado
- Pagsunod sa mga batas at patakarang ipinaguutos ng pamahalaan.
- Tama o wastong pagbabayad ng buwis
- Pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng:
- Paggamit ng maayos at may pagmamahal sa wikang kinagisnan at wikang nakasanayan.
- Pagtangkilik sa mga produkto ng bansa.
- Pagmamahal at pagsasabuhay ng mga kultura at mga tradisyon.
- Paggalang sa watawat na sumisimbolo sa bansa at maayos na pag-awit ng pambansang-awit.
- Pagsunod sa mga batas at patakaran na dapat sundin at isabuhay.
- Pagmamalaki sa mga sariling likha.
- Pagmamalaki na ikaw ay ipinanganak sa bansang kinalakihan.
- Paggampan sa mga tungkulin at responsibilidad.
- Pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa.
- Paggalang at pagrespeto sa kapwa mamamayan.
- Pag-iwas sa makadayuhang kaisipan.
- Paggalang sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.
Bilang isang mamamayan ng bayan, may mga tungkulin at responsibilidad tayong dapat gampanan bilang ambag sa lipunan. Mas mahalagang alamin natin ito upang kahit na sa maliit na paraan makakatulong at may magagawa tayo para sa bayan. Sa simpleng pagsunod sa batas at mga patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan. Lahat tayo may magagawa, hindi lang ang ibang tao, lahat tayo maaring may maimbag sa bayan. Pagkakaisa at pagtutulungan lamang ang kailangan upang ang isang bayan ay magkaroon ng kaunlaran, wag nating iasa lahat sa pamahalaan bagkus kumilos tayong lahat para sa ating bayan.
Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa mga link na nasa ibaba:
Tungkulin ng isang mamamayan: brainly.ph/question/1349071
10 Karapatan ng Mamamayang Pilipino: brainly.ph/question/1774429
Iba’t Ibang Sektor ng Lipunan: brainly.ph/question/593588
#BetterWithBrainly
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.