Ang Greece ay kasalukuyang
isinasailalim sa austerity measures o ang sapilitang paghihigpit ng kanilang
araw-araw na gastos dahil na rin sa mga kautangan ng bansang ito. Dahil na rin
sa problemang kinakaharap ng bansa ay muling nabuhay ang pagpapatupad ng Barter
System.
Ang Barter System ay ang pagpapalitan
ng kalakal sa halip na pera upang mapunan ang pangangailangan ng bawat isa.
Nilimitahan ang pagkuha ng pera sa
bawat banko, dahil dito ay nagkaroon ng kakulangan sa perang dapat umiikot sa
pamilihan ng bansa. Upang masolusyonan ito, ang mga mamamayan ay nagkasundo na
magpalitan na lamang kalakal.