Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Si Haring Minos ang kinikilalang maalamat na hari ng isla ng Creta (Crete) noong panahon ng kabihasnan ng Minoan. Isinunod sa pangalan niya ang kabihasnang Minoan ng arkeologing si Sir Arthur Evans. Sinasabing siya ay may palasyo sa Knossos na may nakatagong labyrinth (isang lugar na pasikut-sikot o maze ang daan papunta sa labasan), na ipinagawa kay Daedalus, isang bihasa at kilalang manggagawa (craftsman) noon. At isang Minotaur (isang nilalang na may ulong toro at katawang tao), ang nakatgo sa loob ng labyrinth.
Sa mitolohiya, si Haring Minos ay ang unang hari ng Creta (Crete), anak siya nina Zeus at ng isang Prinsesa ng Fenicia (Phoenician). Nakuha niya ang trono sa pamamagitan ng tulong ng Griyegong diyos na si Poseidon. Sa tuwing sasapit ang ika-siyam na taon, pinapipili niya si Haring Aegeus ng pitong batang lalaki at pitong batang babae para ipadala sa labyrinth, at ihandog bilang pagkain ng Minotaur. Sa pagkamatay niya, naging hukom si Haring Minos ng mga patay sa underworld.
Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/210899
https://brainly.ph/question/76599
https://brainly.ph/question/126044




Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.