IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

Sampung halimbawa ng pandiwa ,salitang ugat, panlapi

Sagot :

Pandiwa, Salitang – Ugat, at Panlapi:

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw, isang pangyayaring naganap, o isang katayuan. Ito ay karaniwang binubuo ng salitang – ugat na nilagyan ng panlapi o nilapian. Samantalang ang salitang – ugat ay tumutukoy sa payak na kataga na nagsasaad ng kilos o galaw. At ang panlapi naman ang idinudugtong sa salitang – ugat upang mabuo ang isang pandiwa.

Mga Halimbawa: Pandiwa    Salitang – Ugat   Panlapi   Uri ng Panlapi

binasa          basa                         -in-           gitlapi

minarkahan  marka                      -in-, -han  gitlapi at hulapi

nagkwento   kwento                    nag-         unlapi

sumama       sama                       -um-         gitlapi

tamaan         tama                       -an           hulapi

pasayahin     saya                        pa-, -hin   unlapi at hulapi

itakda           takda                       i-             unlapi

alayan          alay                         -an          hulapi

masamain    sama                       ma-, -in   unlapi at hulapi

tawanan       tawa                        -nan        hulapi

Uri ng Panlapi:

  • unlapi – ang uri ng panlapi na inilalagay sa unahan ng salitang – ugat upang mabuo ang pandiwa.
  • gitlapi – ang uri ng panlapi na inilalagay sa gitna ng salitang – ugat upang mabuo ang pandiwa.
  • hulapi – ang uri ng panlapi na inilalagay sa hulihan ng salitang – ugat upang mabuo ang pandiwa.

Mga Pangungusap:

  1. Binasa ng abogado ni G. Cruz ang kanyang mga tagubilin para sa kanyang mga naulila.
  2. Ang aking proyekto sa Filipino ay minarkahan ng guro ng 100%.
  3. Sinabi ni Lorna na ang kanyang tiyahin si Marie ang nagkwento sa kanya ng tunay na kalagayan ng kanyang ina sa probinsya.
  4. Sumama ang kanyang pakiramdam matapos marinig ang balita na ang kanyang nakababatabg kapatid ay pumanaw na dahil sa sakit na kanser.
  5. Ingatan mo ang iyong katawan at palakasin ang iyong resistensya upang hindi ka tamaan ng anumang karamdaman.
  6. Nais ni G. Armes na pasayahin ang kanyang kabiyak sa araw ng kanialang ika – 20 anibersaryo bilang mag – asawa.
  7. Dapat lamang na itakda mo na ang araw ng iyong kasal upang magkaroon ka ng sapat na preparasyon para sa espesyal na araw na iyon.
  8. Alayan natin ng maiki ngunit taimtim na panalangin ang lahat ng mga nagging biktima ng lindol sa Pampanga.
  9. Huwag mo sanang masamain ang sinabi ko na kailangan mong maging maingat sa iyong pakikitungo sa mga taong hindi mo lubos na kilala.
  10. Tawanan na lamang natin ang lahat n gating mga suliranin sapagkat ganito talaga ang buhay minsan masaya minsan naman puno ng pasakit.

Tandaan:

Ang mga salitang – ugat na nagsasaad ng kilos o galaw ay tinatawag na payak na pandiwa samantalang kapag ito ay nilagyan ng unlapi, gitlapi, o hulapi ito ay magiging pandiwang maylapi o nilapian. Ang bawat pandiwang maylapi o nilapian ay maaaring magtaglay ng isa hanggang dalawang panlapi.

Uri ng Pandiwa:

  • payak
  • palipat
  • katawanin

Ang payak na pandiwa ay nagsisilbing simuno.

Halimbawa: Labis na mahihirapan ang mga taong tamad.

Ang palipat na pandiwa ay may simuno at tuwirang layon.

Halimbawa: Nagluto ng spaghetti si Aileen.

Ang katawanin na pandiwa ay may simuno ngunit walang layong tagatanggap.

Halimbawa: Ang masigasig ay magwawagi.

Tatlong Aspekto ng Pandiwa:

  • perpektibo o pangnagdaan
  • imperpektibo o pangkasalukuyan
  • kontemplatibo o panghinaharap

Mga Halimbawa:

Pandiwa         Imperpektibo Kontemplatibo       Perpektibo

manalangin nananalangin mananalangin        nanalangin

umasa              umaasa            aasa                       umasa

magsaya          nagsasaya magsasaya             nagsaya

sumayaw         sumasayaw sasayaw                 sumayaw

umawit            umaawit            await                      umawit

Ano ang pandiwa: https://brainly.ph/question/416298

Ano ang salitang – ugat: https://brainly.ph/question/133541

Ano ang panlapi: https://brainly.ph/question/568827