IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

give a 5 example of pantangi


Sagot :

Halimbawa ng Pantangi

Ang pantangi ay isa sa mga uri ng pangngalan. Ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari at iba pa. Ang pangngalang pantangi ay nagsisimula rin sa malaking titik . Narito ang ilang halimbawa ng pantangi:

  • Jose P. Rizal
  • Luneta Park
  • Mindanao
  • Pasko
  • Adidas
  • Bagong Taon
  • Jollibee
  • KFC
  • Mongol
  • Filipino

Mga Halimbawa ng Pangungusap

Gamitin natin ang ilan sa mga pangngalang pantangi sa pangungusap. Narito ang ilang halimbawa:

  • Si Jose P. Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.

  • Kumakain kami sa Jollibee tuwing Pasko.

  • Mongol na lapis ang binili sa akin ni nanay dahil maganda itong ipansulat.

Halimbawa ng Pambalana

Ang pambalana naman ang isa pang uri ng pangngalan. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari at iba pa. Kaiba ito sa pantangi dahil Ito ay nagsisimula sa maliit na titik. Narito naman ang ilang halimbawa ng pambalana:

  • bayani
  • parke
  • isla
  • sapatos
  • lapis
  • prutas

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin din natin ang ilang pangngalang pambalana sa pangungusap. Narito ang halimbawa:

  • Sapatos ang natanggap kong regalo mula sa aking kaibigan.

  • Matagal na kaming hindi nakakapunta ng parke dahil bawal lumabas.

  • May tatlong malalaking isla ang Pilipinas.

Halimbawa ng konkreto at di konkretong pangngalan:

https://brainly.ph/question/227004

#LearnWithBrainly