IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Ang Sinaunang Ehipto, Matandang Ehipto, o Lumang Ehipto ay isang matandang kabihasnan sa silangang Hilagang Aprika, na matatagpuan sa mababang bahagi ng Ilog Nilo na kung saan naroon ang kasalukuyang bansa na Ehipto. Nagsimula ang kabihasnan noong 3150 BC[1] kasama ang pampolitika na pagsasama ng Mataas at Mababang Ehipto sa ilalim ng unang paraon, at umunlad sa mga sumunod na 3 milenyo.[2] Ang kasaysayan ng Sinaunang Ehipto ay binubuo ng mga matatag na mga kaharian, na hinati ng mga panahon na tinatawag na Intermedyang Panahon (Intermediate Periods). Narating ng Ehipto ang kanyang tugatog sa panahon ng Bagong Kaharian, sa kasagsagan ng Panahong Ramesside. Pagkatapos nito ay unti-unting humina ang Ehipto. Ang Ehipto ay sunod-sunod na sinakop ng mga dayuhang Canaanita, Libyan, Nubian, Assyrian, Babylonian, Achaemenid Persian at mga Macedonian sa Ikatlong Panahong Intermedyal at Huling Yugto ng Ehipto. Sa pagkamatay ni Alejandro ang Dakila, si Ptolemy Soter, isa sa kanyang mga heneral ang naging bagong pinuno ng Ehipto. Ang Kahariang Ptolemaiko na kanyang itinatag ang namuno sa Ehipto hanggang 30 BC, nang ito'y napasakamay ng Imperyong Romano at naging isang probinsya
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.