IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang mga Pilipino ay may iba’t ibang kaugalian sa pagpapangalan ng kanilang mga anak.
Madalas, ginagamit ng mga Pilipino sa pagpapangalan ng bata ang pangalan ng magulang o ng iba pang mga kamag-anak kagaya ng lolo, lola, tito, tita ng bata. Halimbawa, kung ang pangalan ng lola ng batang babae sa panig ng nanay ay Elizabeth, at ang pangalan ng lola ng batang ito sa panig ng tatay ay Marilou, maaaring ipangalan sa bata ay Marilou Elizabeth.
Bukod dito, nagdadagdag din ng “Jr.” (na pinaikling Junior), o di kaya’y “Ma.” o “Maria” sa pangalan ng mga bata. Ito ay upang ipahiwatig na mas maliit na bersyon ang batang isinilang o isisilang. Halimbawa, kung ang pangalan ng tatay ay Roberto Sr. (Senior), maaaring maglagay ng “Jr.” sa pangalan ng batang lalaki upang maging Roberto Jr. ang pangalan nito. Ibig sabihin, si Roberto Jr. ang mas batang bersyon ni Roberto Sr. Kung ang pangalan ng lola ng bata ay Jennylyn, maaaring maglagay ng Maria sa pangalan ng batang babae upang maging Maria Jennylyn ang pangalan nito. Ibig sabihin, si Maria Jennylyn ang mas batang bersyon ng lola niyang si Jennylyn.
Isa pang kaugalian ng mga Pilipino ay ipinagpaparehas ng mga magulang ang mga unang titik ng pangalan ng kanilang anak. Halimbawa, kung meron silang tatlong anak at nais ng mga magulang na magsimula sa letrang M ang pangalan ng kanilang mga anak, maaaring pangalanan ng mga magulang na Marife, Marilou at Mark ang kanilang mga anak.
Minsan pa, kaugalian ng mga Pilipino na ipagpare-pareho rin ang unang letra ng pangalan ng kanilang mga anak na babae at gawing pare-pareho rin ang unang letra ng pangalan ng kanilang mga anak na lalaki. Halimbawa, kung mayroong tatlong anak na babae at tatlong anak na lalaki ang mga magulang, posibleng nais ng mga magulang na magsimula sa letrang G ang mga pangalan ng kanilang mga anak na babae at letrang J naman para sa mga mga anak nilang lalaki. Halimbawa nito ay ang mga pangalan na Girlie, Giselle at Glenda para sa mga babae at Jeffrey, Jason at John para sa mga lalaki.
Bukod dito, tradisyon ng mga Pilipino noon at ngayon na ipangalan din ang mga anak pagkatapos sa pangalan ng isang santo. Ito ay resulta na rin ng impluwensya ng mga Espanyol at ang relihiyon na Katoliko sa ating kultura. Halimbawa ng mga pangalan na nagmula sa pangalan ng santo ay Pedro, Peter, James, John, Paul, Andrew, Joseph, Maria, Martha at Monica.
Noon, tradisyon ng mga sinaunang Pilipino na magbigay ng pangalan na batay sa katangian ng bata noong isinilang o di kaya’y katangian na gusto ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Halimbawa ay “Malakas” at “Makisig”. Ngayon, nagpapatuloy pa rin ang kaugalian na ito sa mga pangalan kagaya ng Faith, Hope, Love at Joy.
Bukod doon, maaari ring ipangalan noon sa bata ang anumang pangalan na may koneksyon sa sitwasyon noong isinilang ang bata. Halimbawa, kung malakas ang ulan noong ipinanganak ang bata, maaaring ipangalan dito ang pangalan na Ulan
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.