Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan ay tunay na mahalaga at natatangi. Ito ay natuklasan
ng ating mga ninuno na lubos nilang pinapahalagahan. Kaya bilang mga tagapagmana, dapat
nating mapahalagahan, mapareserbahan, at tangkilikin ang mga ito. Mapapahalagahan natin ang
mga pamana ng sinaunang kabihasnan sa pamamagitan ng pagpapalawak sa ating mga kaisipan
ukol sa pagpapahalaga sa mga pamana sa sinaunang kabihasnan. Pangalawa ay kung mayroon
tayong mga kaalaman tungkol sa mga pamana ay maari din natin itong ibahagi sa mga mas
nakababata sa atin upang mananatili itong buhay sa ngayon at sa hinaharap. Mapapareserbahan
natin ang mga ito sa pamamagitan ng paggamit ng modernong teknolohiya. Maaring gamitin
natin ang teknolohiya para gumawa pa ng iba’t ibang uri ng libangan gaya ng pelikula tungkol sa
mga sinaunang kabihasnan lalo na ang kanilang mga pamana. Sa pamamagitan nito, interesadong
manood ang mga tao sa iba’tibang panig ng mundo at doon ay ipapakita kung paano nagsikap
ang ating mga ninuno para makagawa ng mga imbensyon at kontribusyon na ipinamana nila na
naging makabuluhan at mahalaga sa kasalukuyan. Maari ring maglagay tayo ng mga museo at
iba pang mga estruktura na maaring puntahan ng mga tao upang mas maintindihan nila kung ano
talaga ang mga bagay na ito.
Ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan ay dapat nating mapangalagaan at mapareserbahan
dahil ito ay ang mga makabuluhang bagay na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Ito rin ang
sumisimbolo sa kultura at tradisyon noong panahon na iyon at ito lamang ang nagsisilbing alaala
mula sa ating mga ninuno. Bilang mga kabataan sa henerasyong ito, bigyang halaga at intensyon
natin ang mga bagay na ito dahil tayo nalang ang makapagbibigay ng halaga sa ating minanang
natanggap mula sa ating mga ninuno at kailangan natin itong panatilihing buhay para maipasa pa
ito sa susunod na henerasyon upang malaman nila kung gaano kayaman at kahalaga ang mga ito.
Kahit na may iba’t ibang lahi, kultura, relihiyon, paniniwala, o Diyos. Kailangan pa rin natin ito
pangalagaan dahil ang ilan sa mga ito ay naging parte na ng pagka-Pilipino natin. Kung ang mga
sinaunang tao ay binigyan ito ng halaga ay dapat sundin natin sila at ipagmalaki natin kung
anong meron tayo na namana natin sa kanila. Isipin natin kung paano ito nakakatulong sa
pangaraw-araw natin na gawain at huwag nating maliitin ang mga ito kasi ito’y lubos na
mahalaga hindi lamang sa ating bansa kung hindi pati na rin sa buong mundo. Dapat rin natin
itong pahalagahan dahil ito’y naging parte ng ating kasaysayan na bumuo sa ating pagkatao. Ang
mga pamanang ito ay nagsisilbing patunay na may malalaking ambag ang mga tao noon. Sa
kabuuan, huwag nating hayaan na mapasawalang-nahala ang mga pamanang ito dahil ito’y
mahalaga lalong lalo na sa kasalukuyan. Isabuhay at itatak natin sa ating mga isipan ang mga
kaalamang ito habang maaga pa. Isipin natin kung paano naghirap ang ating mga ninuno para
lang may maibigay sila sa atin, isipin natin kung gaano nila pinahalagahan ang mga ito at iyon
din ang gagawin natin. Sa pamamagitan ng pag-aalaga at pagre-reserba nito ay maipapakita natin
sa kanila na tunay nga na pinapahalagahan natin ang mga bagay na ipinamana nila sa atin.
Explanation:
Pasensiya na kung mahaba Ang sagot ko Carry on learning pa brainliest narin po thank you
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.