IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

(Bhutan)

Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon!

Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay

Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw

Una sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap

‘Di maipakitang pagmamahal

At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok

Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga

Maniwala’t di panghihina at pagbagsak!

Ano ang naiwan!

Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,

Aklat, talaarawan at iba pa

Wala nang dapat ipagbunyi.

Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na

Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita

Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak

At ang ligayang di-malilimutan.

Pema, ang immortal na pangalan

Mula sa nilisang tahanan

Walang imahe, walang anino at walang katawan

Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba,

ang bukid ay nadaanan ng unos.

Malungkot na lumisan ang tag-araw

Kasama ang pagmamahal na inialay

Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita

Ang masayang panahon ng pangarap.

Gawain 1.1 Mga Tanong Sagutin ang mga tanong tungkol sa tulang binasa.
1. Ano ang mensahe ng tulang binasa?
2. Ano-ano ang mga simbolismo o pahiwatig na ginamit?
3. Paano ipinadama ng may akda ang labis niyang pagdadalamhati sa tula?
4. Ano ang gagawin mo kung sakaling mawalan ka ng mahal sa buhay?
5. Bakit mahalaga na ipadama sa mga taong namatay ang ating pagmamahal sa kanila? ​


Sagot :

Answer:

5.bakit mahalaga Na ipadama sa mga taong namatay ang ating pagmamahal sa Kamila!

Answer:

1.Tanggapin ang katotohanan na mamatay talaga tayong mga tao kaya sulitan ang panahong kasama pa sila dahil hindi napapanahonan ang kamatayan.