Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Answer:
Sa isang command economy, malaking bahagi ng ekonomiya ay kontrolado ng isang sentralisadong gobyerno. Ito ay tinatawag din na “planned economy”.
Dahil sentro ang pamahalaan ng sistema na ito, ang pamahalaan ay bahagi ng pagpaplano hanggang sa pamamahagi ng mga pinagkukunang yaman. Ang command economy ay may kakayahan na lumikha ng maayos na supply ng mga pinagkukunang yaman at nakakatulong din ito para mabigyan ang mga mamamayan ng mababang presyo ng bilihin. Madalas ay kontrolado ng gobyerno ang mga mahahalagang industriya sa bansa tulad ng tubig, kuryente, paliparan, daungan at mga riles. Ang mga mamamayan ay may kontrol sa mga hindi gaanong importanteng sektor ng ekonomiya tulad ng agrikultura.
Pinagsasama sa mixed economy ang mga katangian na taglay ng command economy at market economy, ito ang rason kung bakit tinatawag din itong dual systems.
Karamihan ng mga bansa sa daigdig ay sumusunod sa mixed economy. Kung saan ang karamihan ng mga industriya ay nasa pribadong pamamalakad at ang natitira ay bumubuo sa mga pampublikong serbisyo na nasa ilalim ng pamamalakad ng pamahalaan.