Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Question ✏️
•Sa anong paraan ka makakatulong sa pagpapalaganap ng impormasyon na makakatulong sa pagkatuto ng mga tao ukol sa isyu?
Answer ✏️
•Kung minsan, ang impormasyon ay sadyang inilalathala upang bigyan ng maling impormasyon o linlangin ang mga tao. Kapag ito ay inilathala sa ganitong paraan, tinatawag ito, kung minsan, na mga pekeng balita (fake news), maling impormasyon o sabwatang teorya.
Ang maling impormasyon ay hindi nakakabuti para sa atin lalo na sa panahong kailangan nating magtulungan upang labanan ang virus. Ito ay nagkakalat ng takot o kalituhan o pumipigil sa mga tao na gawin ang tama.
Hindi natin mahahadlangan ang maling impormasyon, ngunit matutulungan natin ang isa't isa na makilala ito. Kadalasan, ito ay:
•nanggagaling sa isang tao na hindi nagbibigay ng kanyang pangalan
•nagpapahayag na may impormasyong mula sa mga ahensya ng pamahalaan, ngunit hindi naman sinasabi ang pinagkunan
•nagpapahayag na nagbabahagi ng impormasyong itinatago mula sa publiko, o na hindi nais ng mga opisyal na malaman mo
•halos laging nagpapahayag na ang 'tunay na istorya' ay mas malala kaysa sa opisyal na impormasyon.
Sa panahong gaya nito:
•mag-ingat kung anong impormasyon ang iyong bibigyang-pansin
tingnan ang kalidad ng impormasyon bago ito ipasa sa iba.
•tingnan ang kalidad ng impormasyon bago ito ipasa sa iba.
Maaari kang makakuha ng mapagkakatiwalaang impormasyon mula sa mga pampublikong pahayag ng pamahalaan, mga website o mga channel ng social media.
I hope this helps:)
#Carry on learning
-Max❤️
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.