Ang Brazil ay isa sa mga industiyalisadong bansa sa mundo
ngunit sa kabila nito ay kabilang pa rin ang Brazil sa mga mahihirap na bansa
sa buong mundo.
Isang suliraning sosyolohikal sa bansang ito ang “social
disparity” o ang hindi pantay pantay na trato sa mga mamamayan nito. Ito ang
dahilan kung bakit laganap ang kahirapan sa bansang ito. Hindi pantay pantay
ang distribusyon ang kita sa mga mamamayan.
Ang kahirapan ng mga mamamayan sa mga natitiral rural na
bahagi ng bansang ito ay maaaring maikumpara sa kahirapan ng mga mamamayan sa
Africa at ilang bansa sa Asya.