Mahalaga ang ginampanang papel ng apoy , kweba, punongkahoy, mga bato, mga dahon at balat ng hayop sa mga sinaunang panahon.
Ang apoy ang nagsisilbing liwanag sa mga sinaunang tao noon sa madilim na gabi. Ito din ang ginagamit nilang panlaban sa lamig at tulad ngayon, ang init ng apoy ay ginagamit upang maluto ang mga hilaw o sariwang mga pagkain.gulay o karne. Ang kweba naman ang naging tirahan nila. Mainam itong tirhan sapagkat ito ay matibay at panlaban sa malalakas na bagyo noon. Ang bungang kahoy naman mula sa mga punong kahoy sa kagubatan ang naging pangunahing mapagkukunan noon ng pagkain. ANg mga dahon ng punong kahoy ay hinabi nila upang gawing pansamantalang damit pati narin ang mga balat ng hayop.