IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Panuto : ibahagi Ang iyong opinyon o pananaw ukol sa larawang makikita sa bawat bilang​

Panuto Ibahagi Ang Iyong Opinyon O Pananaw Ukol Sa Larawang Makikita Sa Bawat Bilang class=

Sagot :

BAYANIHAN

Ang “bayanihan” na isang bahagi ng ating kultura na masasabing makaluma o tradisyunal, dahil sa panahong nagsimula ito. Ang konsepto ng pagbabayanihan ay ang sama-samang pagtutulungan ng mga magkakapitbahay o mga magkakabaranggay sa pagbuhat at karaniwang paglipat ng isang bahay, na noon ay kubo na gawa sa nipa at iba pang magagaan na materyales,  ng kanilang kasamahan patungo sa isang bagong pwesto.

Sinasalamin ng tradisyong ito ang pagkakabuklod-buklod at mapayapang pagsasama at sistema ng tulungan sa isang pamayanan. Likas na matulungin at may malasakit sa kapwa ang mga Pilipino na nagpapalakas ng kaisipang ideyal na pamumuhay noon. Hindi mapagkakaila na ang mga Pilipino ay may pagpapahalaga sa isang lipunang may pagtutulungan at pagkakapit-bisig sa mga panahon ng kaginhawaan at kahirapan. May kaakibat na responsibilidad sa kapwa ang pagiging Pilipino na isa nang manipestasyon hanggang sa mga kapanahunan ngayo

SIMBANG GABI

Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Tinatawag din itong Misa-de-galyo (mula sa Kastilang Misa de Gallo, o "misa ng tandang", sapagkat sa pagtilaok ng lalaking manok, magsisibangon na ang mga mag-anak para makinig ng misa sa pinakamalapit na simbahang pamparokya[1]), Misa Aginaldo (mula sa Kastilang Misa de Aguinaldo, o "misa ng mga handog, alay o regalo"), Misa-de-notse, o Misa-de-noche (o "misa ng/sa gabi").[2] Isa itong misang idinaraos bawat madaling araw sa loob ng siyam na araw bago sumapit ang araw ng Pasko.[2] Nagsisimula ang pagmimisa tuwing ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 ng Disyembre, na kadalasang sinasagawa sa mga Romano Katolikong simbahan[1] sa Pilipinas tuwing ikaapat hanggang ikalima ng umaga. Ang misa sa madaling araw na ito isa sa pinakamatagal na at pinakabantog na tradisyong Pilipino.[3] Nagsisilbi rin ang misa bilang isang nobena para sa Birheng Maria.[1][3] Bukod dito, nagsisilbi ring pagkakataon ang pagnonobena upang idalangin ang mga kahilingang nakatuon kay Hesukristo, kaugnay ng paniniwalang matutupad ang hinihingi kapag nakumpleto ang siyam na misa sa madaling-araw.[4] Sa ibang pagkakataon, isinasagawa ring kasama ng Simbang Gabi ang panuluyan, partikular na sa pinakahuling misa, ang tunay na Misa Aginaldo[1] o Misa-de-galyo.

SINULOG FESTIVAL

Ang Sinulog ay isa, kung hindi man, ang pinakamalaking selebrasyon na inaabangan hindi lang ng mga Cebuano kundi lahat ng mga deboto ng Señor Santo Niño.Ang Sinulog Festival ay ginaganap taon-taon sa pangatlong linggo ng Enero bilang pagbibigay-pugay sa mapaghimalang imahe ng Sto. Niño at tumatagal ng siyam na araw. At kadalasang sikat ang pagdiriwang na ito sa Cebu City.

LUKSONG TINIK

Ang luksong tinik ay nangangailangan ng hindi bababa sa tatlong mga tao upang maging maayos ang paglalaro. Ang dalawang manlalaro ay maging kuta ng tinik sa kung saan ang iba pang mga manlalaro ay tumatalon(Philippines Travel Site).Totoy tumalon ka taasan kung kailanganAt baka matinik ka ng makabagong kultura, Luksong tinik alam mo pa ba? Dalawang taong mistulang tinik malagpasan mo kaya?Isa sa mga kilalang larong pinoy ang Luksong Tinik. May dalawang koponan na maglalaban na kailangan talunan ang taya o ang dalawang taong nakaupo na may magkapatong na paa at kamay na nakabuka. Mga makabagong kultura na hinihintay na matinik ka. Mga teknolohiya na hinihikayat na matusok ka. Matusok ang isipan mo at tuksuhin ka sa makabagong panahon. Pero hindi pa ba tayo natusok ngayon? Mga larong pinoy unti unti ng nawawala sa ating sistema. Mas sa kabisado pa nga natin ang sistema ng computer at cellphone kaysa sa sistema ng ating kultura.

I hope it's help

paikliin mo na lang

❇kitty570