Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

Anu ano ang maaring hakbangin upang mapaunlad ang agrikultura at produksiyon ng bansa

Sagot :

Answer:

Itigil ang pag puputol ng mga kahoy

Limitahan ang pangigisda at pag papatay ng mga hayop upang kainin

Answer:

Upang mapaunlad ang agrikultura at produksiyon ng bansa ang mga sumusunod na hakbangin ang maaaring gawin:

1. Paatasin ang kasanayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng mga pagsasanay base sa mga maka agham na resulta ng mga pag aaral.

2. Magtalaga o magdagdag ng mga extension worker na bababa sa mga bukirin upang magkaroon ng matibay na komunikasyon ang mga magsasaka at lokal na pamahalaan.

3. Magbigay ng mga ayudang pangsakahan tulad ng libreng abono, binhi at makinarya upang mabawasan ang gastos sa pagsasaka.

4. Igrupo ang mga magsasaka upang maipon ang mga ani ay mabenta ng bultuhan.

5. Magbigay ng mas maraming scholarship grants sa mga kabataan na kukuha ng kursong agrikultura upang mas dumami pa ang mga propesyunal na tutulong sa mga magsasaka.

6. Palawagin ang pagbibigay kaalaman sa mga magsasaka ukol sa mag programa ng pamahalaan na makakatulong sa kanila.

Explanation:

Ang sektor ng pagsasaka ay isa sa mga di napagtutuunan ng pansin ng pamahalaan kaya naman napakabagal ng pag unlad nito.

#BrainlyFast