IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

Basahin ang teksto sa ibaba. Pagkatapos ay tukuyin ang (a) simula, (b) gitna at (c) wakas sa bawat talata.
Ako si Magiting

Ni: Consolacion P. Conde

Gintong Pamana Wika at Panitikan

Batayang Aklat sa Filipino- Ikalawang Taon

Nina Lolita R. Nakpil at Leticia F. Dominguez, PhD

Nangingiti kayo, sapagkat narito ako sa inyong harapan, nagbubuka ako ng bibig at pilit long pinalalaki ang aking maliit na tinig!

Tunay, ako’y musmos pa lamang kung inyong pagmamasdan. Subalit ang aking puso ay singhugis at sinlaki rin ng inyong puso. Ang aking dibdib ay sintibay na rin ng inyong dibdib. Pahat man ang aking diwa ay nakauulinig ang aking pandinig at nakakikita ang aking mga mata. Nadarama ko ang agay-ay ng hangin, ang init ng araw, ang pintig ng buhay. Nalalasahan ko ang linamnam ng ligaya at tamis ng tuwa. Nanamnam ko ang pait ng apdo at saklap ng dalamhati. Nahuhulo ko rin ang ganda ng kabutihan at ang kapangitan ng kasamaan.

Kahapon ay nasaksihan ko kung papaanong inakay ng isang batang lalaki ang isang matandang ina. Sa kalaparan ng mataong lansangan ay tumawid sila; at ang matanda ay nalayo sa panganib at sa kamatayan. Aniko sa sarili, gayondin ang dapat kong gawin!

Ngunit kangina, sa tindahan ng Intsik sa panulukan ay naghilakbot ako sa aking Nakita. Mga binatilyong kagaya ko, datapwa’t may hawak na bote ng alak at sa mga bulang kanilang nilalagok ay unti-unti silang nangawala sa kanilang mga sari-sarili. Maya-maya pa’y naghalibasan sa isa’t isa. Ang ilan ay nangalugmok at nangahandusay. Ang iba’y sugatang nagsipanakbuhan. O! kasuklam-suklam na panoorin. Naibulong ko lamang: A, hindi ko sila dapat pamarisan!

Katutunghay ko pa lamang sa pahayagang ngayon ay aking dala. Isang panawagan sa kabataan ang magpatala upang ihanda ang kanilang sarili sa pagsasanggalang sa kalagayan ng bayan. Kaya naman ako…upang mapabilang sa kabataan ay naririto ngayon at dumudulog sa inyo! Opo, ako…. Akong si Magiting ay naririto upang ilaan ang aking sarili sa paglilingkod sa Lupang Tinubuan!

Bakit kayo nagingiti? Bakit nga? Bakit Ninyo ako pinagmamasdan mula ulo hanggang paa? Bakit? A, dahil ba sa ako’y isang pilay? At putol ang isang paa? Iyan ba ang dahilan kung bakit nag-aatubili kayong ako ay tanggapin? Iyan ba ang sanhi kung bakit minamaliit Ninyo ang aking alok na paglilingkod?

Mga ginoo, nagkakamali kayo! Ako’y naririto upang magpatala – upang lumaban; hindi…. upang tumakbo!

Simula:





Gitna:





Wakas:

Pahelp po <3 sa mababait sana po maayos sagot brainleist ko naden po


Sagot :

Answer:

SIMULA:

Nangingiti kayo, sapagkat narito ako sa inyong harapan, nagbubuka ako ng bibig at pilit long pinalalaki ang aking maliit na tinig!

Tunay, ako’y musmos pa lamang kung inyong pagmamasdan. Subalit ang aking puso ay singhugis at sinlaki rin ng inyong puso. Ang aking dibdib ay sintibay na rin ng inyong dibdib.

GITNA:

Kahapon ay nasaksihan ko kung papaanong inakay ng isang batang lalaki ang isang matandang ina. Sa kalaparan ng mataong lansangan ay tumawid sila; at ang matanda ay nalayo sa panganib at sa kamatayan. Aniko sa sarili, gayondin ang dapat kong gawin!

Ngunit kangina, sa tindahan ng Intsik sa panulukan ay naghilakbot ako sa aking Nakita. Mga binatilyong kagaya ko, datapwa’t may hawak na bote ng alak at sa mga bulang kanilang nilalagok ay unti-unti silang nangawala sa kanilang mga sari-sarili. Maya-maya pa’y naghalibasan sa isa’t isa.

WAKAS:

Bakit kayo nagingiti? Bakit nga? Bakit Ninyo ako pinagmamasdan mula ulo hanggang paa? Bakit? A, dahil ba sa ako’y isang pilay? At putol ang isang paa? Iyan ba ang dahilan kung bakit nag-aatubili kayong ako ay tanggapin? Iyan ba ang sanhi kung bakit minamaliit Ninyo ang aking alok na paglilingkod?

Mga ginoo, nagkakamali kayo! Ako’y naririto upang magpatala – upang lumaban; hindi…. upang tumakbo!

Explanation:

Sana maka help ito ❤️

Answer:

Simula:

Nangingiti kayo, sapagkat narito ako sa inyong harapan, nagbubuka ako ng bibig at pilit long pinalalaki ang aking maliit na tinig!

Gitna:

Kahapon ay nasaksihan ko kung papaanong inakay ng isang batang lalaki ang isang matandang ina. Sa kalaparan ng mataong lansangan ay tumawid sila; at ang matanda ay nalayo sa panganib at sa kamatayan. Aniko sa sarili, gayondin ang dapat kong gawin!

Wakas:

Bakit kayo nagingiti? Bakit nga? Bakit Ninyo ako pinagmamasdan mula ulo hanggang paa? Bakit? A, dahil ba sa ako’y isang pilay? At putol ang isang paa? Iyan ba ang dahilan kung bakit nag-aatubili kayong ako ay tanggapin? Iyan ba ang sanhi kung bakit minamaliit Ninyo ang aking alok na paglilingkod?

Mga ginoo, nagkakamali kayo! Ako’y naririto upang magpatala – upang lumaban; hindi…. upang tumakbo!

Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.