IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Step-by-step explanation:
“Change is Inevitable”. Ito ang mga katagang ating sinasambit sa tuwing may mga pagbabagong nagaganap sa ating sarili, kapaligiran, komunidad o sa ating bansa. Sa katunayan ay wala sa ating mga kamay o walang sinumang tao ang makapipigil sa mga pagbabagong ito sapagakat ito ay parte na ng ating buhay. Ang tanging magagawa lang natin ay tanggapin, unawain at yakapin ang mga nangyayaring ito sa atin. Kung mayroon mang pagbabago o nagbabago ay responsibilidad nating gawin itong tama at ayusin para ito’y maging kapakipakinabang sa buhay natin at sa ating lipunan. Tulad ng mga natutuhan mo sa araling ito mula sa mga sinauna o prehistorikong tao at ang kanilang pakikibaka sa buhay, mga pagbabagong naganap bunsod ng iba’t ibang panahon at karanasan, ang kanilang pakikibagay sa kanilang kapaligiran ay nagpapakita at nagpapatunay na walang permanente sa mundong ating ginagalawan. Ang mga kaganapan noong sinaunang panahon ay mananatiling aral at gabay upang lubusan nating maunawaan ang ating kasalukuyan. Ang mga yugtong pinagdaanan ng mga tao noon upang umunlad ang kanilang buhay at kultura ay isang salamin ng mga kaganapan sa ating henerasyon. Gayunpaman, ito’y nagbigay leksyon at aral sa atin kung papaano tanggapin ang mga pangyayaring ito. Ang mga pagbabagong nagaganap kailanma’y hindi natin mapipigil bagkus buong tapang natin itong haharapin at buong pusong naniniwala na sa dulo ng daan sabay-sabay nating lalasapin ang tagumpay na para sa atin batay sa aral ng nakaraan. Paano mo haharapain ang kasalukuyang mga pagbabago na nangyayari sa ngayon bilang isang mamamayan na nabibilang sa lipunan na humaharap sa pandemiya? Ipaliwanag ang mga hakbang na iyong gagawin na makakatulong sa iyong sarili, pamilya, komunidad at bansa. a. Sarili_______________________________________________________________ b. Pamilya_____________________________________________________________ c. Komunidad_________________________________________________________ d. Bansa______________________________________________________________ e. Mundo______________________________________________________________
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!