Makakuha ng maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

Written Task
l. Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat sa sagutang papel ang titik ng iyong sagot. -
1. Ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang sanaysay na impersonal naman ay_
A. Pormal
B. Naglalarawan
C. Nangungutya
D. Nang-aaliw
2. Ang kuwentong "Ang Ama" ay isang uri ng kuwentong. na nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari.
A. Makatotohanan
B. Makabanghay
C. Naglalarawan
D. Nanghikayat
3. Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na "Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng kinabukasan" ay nagpapahiwatig na ang kultura ay_
A. Nagbabago
B. Di nagpapalit
C. Naaalis
D. Di itinuturo -
4. Anong persona ang nagsasalita sa tulang "Ang Punongkahoy"?
A. Taong nagsisisi
B Taong naghihingalo
C. Taong lulong sa bisyo
D. Taong may malasakit sa kalikasan _
5. Anong klaseng buhay ang binanggit sa tulang "Ang Guryon"?
A. Lumalaban at nagwawagi
B. Lumilipad at matatag
C. Manipis at matayog
D. Marupok at malikot
6. Ano ang sinisimbolo ng punongkahoy sa tula?
A Krus
B. Libingan
C. Buhay
D. Kandila
7. Ito ang tunggaliang naganap sa isipan ng tao
A. Tao vs kalikasan
B. Tao vs kalamidad
C. Tao vs kapwa
D. Tao vs sarili
8. Isang halimbawa na pahayag ng matatag na opinyon ang
A kumbinsido akong
B. Hindi ako naniniwala
C. Sa tingin ko
D. Sa totoo lang
9. Alinsunod sa batas, bawal ang pagpuputol ng mga puno sa kabundukan. Anong uri ng pang-ugnay ang salitang may salungguhit?
A. Pang-angkop
B. Pangatnig
C. Pang-ukol
D. Pang-abay
10. Saan nagmula ang sanaysay na "Kay Estella Zeehandelaar"?
A. Korea
B. Indonesia
C. Singapore
D. Taiwan
11. Isang tula na alay sa mga pumanaw na mga mahal sa buhay
A. Oda
B. Awit
C. Elehiya
D. Salmo
12. Mga pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian ay ang
A. Ebidensiya
B. Opinyon
C. Katotohanan
D. Pahayag
13. Isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
A. Sanaysay
B. Dula
C. Maikling Kuwento
D. Tula
14. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay at nagluluto si Mulong ng pansit, ano ang angkop na gamiting pang-ugnay upang maging isang pangungusap ang mga nabanggit?
A. Kaya
B. Palibhasa
C. Subalit
D. Datapwat
15. Ito'y isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba.
A. Katotohanan
B. Pahayag
C. Patunay
D. Opinyon​


Written Task L Panuto Basahin At Unawain Ang Bawat Katanungan Isulat Sa Sagutang Papel Ang Titik Ng Iyong Sagot 1 Ang Sanaysay Na Dipormal Ay Tinatawag Na Perso class=