Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Pangunahing balakid upang maging wikang opisyal ang Filipino ang kahirapang isalin ang mga opisyal na terminolohiya na kadalasang ginagamit sa pamamalakad, pangangasiwa, at sa usaping batas
ADVERTISEMENT
PANGASINAN, Pilipinas – Halos 3 dekada na ang nakalilipas nang iniutos ng dating pangulong Corazon Aquino na gamitin ng mga kagawaran at ahensya ng pamahalaan ang wikang Filipino sa lahat ng uri ng komunikasyon.
Iniutos din ng Atas Tagapagpaganap Blg 217 na isalin sa Filipino ang mga pangalan ng mga opisina, maging ang panunumpa sa katungkulan ng mga opisyal sa gobyerno.
Nguni't sa kasalukuyan, inamin ni Celso Santiago Jr, assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office, na hindi pa rin wikang opisyal ang Filipino, bagama't tanggap na ito ng nakararami bilang pambansang wika.
ADVERTISEMENT
"Hangga't hindi nauunawaan ng karaniwang masa ang wika ng batas polisiya, pangagasiwa, at pamamahala, hindi natin naibibigay sa kanila ang kapangyarihang maging mga aktibong mamamayang may pakikisangkot sa pamamahala at pagpapatakbo ng bansa," sabi ni Santiago sa mga kalahok sa Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika.
Ginanap ang kongreso noong Agosto 5-7 sa Lingayen, Pangasinan.
Masasabing opisyal ang wika kung ito ang gamit sa mga opisyal na talastasan sa pamahalaan, paliwanag ni Santiago. Aniya, sinimulan na rin kahit papaano ng kasalukuyang pamahalaan na dalasan ang paggamit ng Filipino bilang wikang opisyal:
"Sinikap naming gamitin ang wikang Filipino upang makaabot ang mga programa ng pamahalaan sa mas nakararami," wika ni Santiago.
Explanation:
Sana maka tulong
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.