IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

GAWAIN II:
Panuto: Piliin ang angkop na teknik na ginamit sa pagpapalawak ng paksa sa sumusunod na talata. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Paghahawig o pagtutulad
B. Pagbibigay-depinisyon
C. Pagsusuri

1. Ang gamot ay sustansiyang kaiba sa idinulot ng pagkain na nakapagbabago sa gawain ng katawan o isipan. Ito ay maaaring galing sa mga halaman o pinaghalong produkto na ginawa ng mga eksperto

2. Dahil sa modernong panahon, ang mga kabataan ay mas lalong nagiging malikhain dahil sa kahiligan nilang manggalugad sa bagong teknolohiya o gadyet ngayon. Kung noon, pawang papel at bolpen lang ang gamit ng mga kabataan sa klase, ngayon ay marami na silang pagpipilian dulot ng teknolohiya.

3. Hindi hadlang ang kahirapan kung may pagtitiis at determinasyon sa pagkamit sa mga hangarin o pangarap sa buhay. Maraming mga pagsubok ang haharapin, mayaman man o mahirap talagang mararanasan mo ang mga unos sa buhay. Marapat lamang na manalig ka sa Diyos na siyang lumikha sa bawat tao.

4. Wika ang nagbigkis sa ating pagkakaisa. Ito ang naging daan upang maipahayag ang ating mga damdamin, sandata sa pagpapahiwatig sa ating mga kakayahan at mapatibay ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.

5. Mula't sapol sa ating kabataan mayroon tayong kaibigan Palaging kasama sa laro at kulitan. Naging makulay at masaya dahil sa magandang samahan magpakailan man. Handang tumulong sa panahon ng kagipitan at naging kaagapay sa mga pagsubok sa buhay. Nandiyan palagi magpakailan man.

6. Hindi natin maiwasan ang mabagot, matakot at mag-alala dahil sa kasalukuyang nararanasan natin ngayon. Kung dati, malayang namamasyal at magawa ang gusto at mag-aliw ngayon maraming dapat isaisip dahil sa pandemic.

7. Ang pamilya ay binubuo ng magulang, anak, lolo at lola. Nakatira sa isang tahanan at masayang nagsasama. Kahit anong problema ay kayang lutasin dahil sa pagmamahal at respeto sa bawat isa. Ito ay maliit na yunit ng ating komunidad.

8. Sagana sa likas na yaman ang bansang Pilipinas:Luzon Visayas at Mindanao. Kayumanggi ang balat ng mga naninirahan dito. Maraming magagandang dilag at matitikas na binata. Namumuhay nang simple at taglay ang kakaibang talento at kakayahan. Saan man magpunta kayang makisabay sa agos ng buhay.

9. Naging masaya ang buhay ni Marcela mula nang makilala niya ang kanyang ama. Tulad ng isang batang naghahangad na magkaroon ng bagong laruan. Hindi niya maipaliwanag ang katuwaang naramdaman gaya ng pagbitibit nito kahit saan man magpunta.

10.Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalit ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.​


Sagot :

Answer:

1. B, 2.A, 3.B, 4.C, 5.B, 6.A, 7.C, 8.B, 9.A,

10.B