IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at maaasahang mga sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

16. Sa panahon ng pandemya, humina ang tindahan ng bigas ni Peter kaya konti lang ang kita niya sa

araw-araw. Kung kaya’t pinagsikapan niyang mabuti na mapagkasya ito sa kanilang

pangangailangan.

a. Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nagbibigkis

b. Kapag walang tiyaga, walang nilaga

c. Matutong mamaluktot habang maikli ang kumot

d. Wala sa nabanggit


17. Si Jose ay tapos na sa kolehiyo. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na hinding-hindi siya kailanman

magtatrabaho dahil buhay pa naman ang kaniyang mga magulang na handang tumulong sa kaniya.

a. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan

b. Ang paggawa ng mabuti ay dapat hindi lang sa salita kundi sa gawa.

c. Ang paghahangad ng sobra-sobra o kasakiman ay naghahatid sa kawalan.

d. Ang tao kapag tatamad-tamad at hindi nagsusumikap sa buhay ay magugutom


18. Isang pagkukunwari lamang ang kaniyang pag-iyak na naaksidente ang kanyang kapatid.

a. anak-dalita c. luha ng buwaya

b. ibaon sa hukay d. makapal ang palad


19. Lubos na kasiyahan ang nararamdaman ni Maria sapagkat nakamit niya ang posisyong inaasam-

asam sa kumpanya nang hindi umaasa sa mga backer. Sa halip, nagtiwala siya sa kanyang sarili at

pinagsikapang maipakita ang angking galing sa kanyang mga gawain.

a. Aanhin mo ang palasyo, kung nakatira ay kuwago.

b. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.

c. Ang paggawa ng mabuti ay dapat hindi lang sa salita kundi sa gawa.

d. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.


20. Dahil sa sobrang pagmamahal ay hindi magawang pagsabihan ni Aling Maria ang anak na si Jane

kahit na may mali itong nagawa. Kaya naman, hindi na nagtaka pa ang mga kapitbahay nang isang

araw ay umuwi itong buntis.

a. Aaanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo

b. Anak na di paluhain, ina ang patatangisin

c. Ang kalusugan ay kayamanan

d. Daig ng maagap ang masipag.

d. Lahat ng nabanggit


D. Panuto: Basahin at tukuyin kung anong teknik ang ginamit sa bawat talata. Piliin ang tamang letra na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.


21“Sa kabila ng hindi magandang mga balita tungkol sa mga OFW, patuloy pa rin ang maraming

Pilipino sa pangingibang-bayan upang magtrabaho. Bakit nga ba napipilitang umalis ang mga

Pilipino sa Pilipinas? Ano ang nagtutulak sa kanila para lisanin ang sariling bayan at magpasyang

sa ibang lupain na lamang magtrabaho? “

a. Pagbibigay katuturan o depinisyon c. Pagsasalin

b. Paghahawig o pagtutulad d. Pagsusuri


22. “Ang Coronavirus ay isang tipo ng mga virus na nagdudulot ng lagnat, at nagiging sanhi ng

malalang sakit sa baga o paghinga. Madalas maging sintomas ng mga viral infections na ganito ang

pagkakaroon ng mataas na lagnat, pagkakasakit sa katawan, sore throat, malalang sipon at ubo

Halos lahat ng kaso tumatagal ito ng ilang araw bago mawala.”

a. Pagbibigay katuturan o depinisyon c. Pagsasalin

b. Paghahawig o pagtutulad d. Pagsusuri


23. “Ang buhay ng tao ay maihahalintulad sa isang kandila. Dahil ang tao habang patuloy na

tumatanda, nauubos din ang lakas tulad ng pagkatunaw ng kandila. Tulad ng kandila, nakakasakit

din ng ibang tao lalo kung ikaw ay napaso subalit mas malaki pa rin ang tulong nito lalo na sa dilim.

Gayunpaman, masaya ang isang tao kapag makapagbibigay ito liwanag sa kanyang kapwa.”

a. Pagbibigay katuturan o depinisyon c. Pagsasalin

b. Paghahawig o pagtutulad d. Pagsusuri


24. “Ang pandemya ay isang internasyonal na pagkalat ng isang bagong sakit kung saan ang

karamihan ay wala pang kaligtasan laban dito. Masasabi din natin ito bilang isang emergency sa

kalusugan sa publiko. Ito ay inilalarawan sa pamamagitan ng pagdudulot ng maraming mga

seryosong kaso na, kahit na maaaring kumakatawan sa isang maliit na porsyento ng populasyon,

nagpapahiwatig ng isang pare pareho at hindi malulutas na kahinaan.”

a. Pagbibigay katuturan o depinisyon c. Pagsasalin

b. Paghahawig o pagtutulad d. Pagsusuri


E. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na karunungang bayan. Piliin ang pinakaangkop na hinuha o ideya na makikita sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot

25. Ang kalusugan ay kayamanan

a. Hindi mahalaga ang kalusugan basta mayaman ka

b. Hindi mahalaga ang kayamanan basta malusog ka

c. Kayamanang maituturing kapag maayos ang kalusugan dahil lahat nagagawa mo

d. Wala sa nabanggit

26.Sa anumang lalakarin, makapito munang isipin

a. Gawin agad kung ano ang nasa isip

b. Huwag ng pag-isipan ang nais gawin

c. Mag-isip ng maraming beses bago gawin ang isang bagay

d. Magplano kung kinakailangan na

27. Ubos-ubos na biyaya, bukas nakatunganga

a. Huwag maghinayang sa pera

b. Kapag nagsisikap, nagiging mayaman ka

c. Madaling maubos ang pera kapag hindi ginamit nang wasto

d. Suwerte ka kapag marami ang pera

help me please….