Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Gawain 4: SA GITNA NG KALAMIDAD
Panuto: Makibahagi sa gawain na ito sa pamamagitan ng pagsunod sa alituntunin
na ilalahad ng iyong guro. Isabuhay ang mga tauhan na maitatalaga sayo.
(Pumili ng isang nais na maitalaga sayo. Maaaring bilang isang goverment
official, pangkaraniwang mamamayan, o miyembro ng isang NonGovernment
Organization.)
Ang Barangay Cutud ay kadalasang nakakaranas ng malakas na bagyo. Isipin ang
hakbang na dapat gawin ng tauhan na nitalaga sa iyo sa sumusunod na
pagkakataon:
❖ Bago ang bagyo
❖ Pagtama ng bagyo
❖ Pagkatapos ng bagyo


Sagot :

Answer:

bago ang bagyo, bilang isang government official, siguraduhin na ang gagamiting evacuation center ay malawak at malinis (upang walang magkasakit) dapat ay kumpleto din ang mga gamit na maaaring kailanganin ng mga lumikas.

pagtama ng bagyo, siguraduhing lahat ng mga mamamayan ay nakalikas, kapag may naiwan pa sa ibang kabahayan maaaring gumamit ng bangka o iba pang gamit upang matulungan silang makalikas.

pagkatapos ng bagyo, tulungan ang mga taong lumikas sa pagbuhat ng kanilang gamit, tumulong din sa paglinis ng kapaligiran at magbigay ng mga relief goods para sa kanila.

Explanation:

sana makatulong. :)