Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Kilala si Pilandok na isa sa mga pinaka-tusong hayop sa kagubatan. Halos lahat ng uri ng hayop ay naiisahan nya at nagagamit para sa kanyang sariling interes. Nakaligtas sya mula sa mabangis nababoy ramo at mahabang buwaya; ngunit, nagulat ang lahat nang hindi tumalab ang pagiging tuso ni Pilandok sa isa sa mga ghindi inaasahang hayop—sa Suso.
Explanation:
Alamin kung ano ang kahulugan ng pabula: https://brainly.ph/question/379898
Aral sa pabulang Natalo rin si Pilandok: https://brainly.ph/question/1529281
Ang mga pangunahing tauhan
1. Pilandok
2. Baboy Ramo
3. Buwaya
4. Suso
Si Pilandok at ang Baboy Ramo
Nalinlang ni Pilandok ang Baboy Ramo at naiwasan nyang makain nito. Hinamig nya ang Baboy Ramo na sa halip na sya ang kainin, ay humanap ng isang tao na mas malaki at mas makakabusog sa Baboy Ramo. Dinala ni Pilandok ang Baboy Ramo sa isang mangangaso na nasa kagubatan. Nagtagumpay si Pilandok, nahuli ng mangangaso ang Baboy Ramo at nailigtas nya ang kanyang sarili.
Si Pilandok at ang Buwaya
Alam na ng Buwaya na mapanlinlang si Pilandok ngunit nagawa pa rin syang lokohin nito. Ginamit ni Pilandok ang kakayahan nyang mangumbinsi na hindi sya ang nakagat ng Buwaya kundi isang patpat. Kahit na sigurado ang Buwaya na si binti ni Pilandok ang kanyang kagat, nalinlang pa rin sya nang ipinakita ni Pilandok ang kabila nyang binti. Mabilis na nakatakas si Pilandok mula sa buwaya.
Si Pilandok at ang Suso
Hinamon ni Pilandok ang Suso sa isang karera, ngunit lingid sa kaalaman ni Pilandok, matagal nang napaghandaan ng Suso at ng kanyang mga kapatid ang hamon na ito. Nagpanggap ang magkakapatid na Suso na iisang nilalang at napaniwala nila si Pilandok na natalo sya ng isang Suso. Mula noon ay nangako na si Pilandok na hindi na muling manlalamang ng kapwa
Tuklasin ang iba pang katangian ni Pilandok: https://brainly.ph/question/696951
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!