Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Ang sistema ng sekularisasyon ay nagbigay daan sa mga karaniwang Pilipino na maging pari at magsanay sa pamamahala ng isang parokya kahit na walang kinabibilangang order panrelihiyon.
Noong dumating ang Kastila sa Pilipinas, ang pangunahing layunin bukod sa pagsakop ay ang palaganapin ang Kristiyanismo. Pinamumunuan ng mga grupo ng paring regular sa ilalim ng order na pangrelihiyon ang pagpapalaganap nito. Sila ay ang mga Dominiko, Agustino, Pransiskano, at Rekoleto.
Ngunit may tinatawag ding mga paring sekular kung saan hindi sila kabilang sa kahit na ano mang order pangrelihiyon. Sila ay pinamumunuan ng obispo. Sila rin ang syang namamahala sa mga parokya. Ng sinabi ng obispo na pamunuan ng paring sekular ang nasasakupang paroko ng mga paring regular, sila ay hindi pumayag at nagbantang magbitiw. Tinanggap naman ng arsobispo ang kanilang pagbibitiw. At simula nito, nangalap sila ng mga taong maaaring sanayin at turuan sa pagpapari kahit na ito pa ay mga ordinaryong tao.
Kahit na ayaw ng mga paring regular ang sekularisasyon, nakahanap ng kakampi ang mga paring sekular sa katauhan ni Monsinyor Pelaez. Ipinaglaban nya ang paniniwalang ito. At ng siya ay mamatay sa lindol, ipinagpatuloy ng Gomburza ang pakikipaglaban.
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.