IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Answer:
PANGUNAHING PAKSA AT MGA PANTULONG NA DETALYE
Talata?
-> binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na MAGKAKAUGNAY
-> binubuo rin ng Pangunahing Paksa (PP) at mga Pantulong na Detalye (PD)
Pangunahing Paksa?
-> main idea
-> sentro o pangunahing tema sa talata
-> kadalasan ay makikita sa unang pangungusap (imply) at huling pangungusap (konklusyon)
HALIMBAWA:
KAMING MAG-ASAWA AY NAGKAKAROON NG MGA PROBLEMA. Ang aking asawa ay mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang lumabas ng gabi kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin niya ng mga sport pero ayaw ko naman ng mga iyon.
Pantulong na Detalye?
-> supporting details/ information
-> mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap
HALIMBAWA:
Wag na wag mong ipapasok ang kamay mo sa kahon na yan. BAKA SA LOOB NYAN AY MAY MATATALIM AT KALAWANGING BAKAL. BAKA MAY MOUSETRAP DYAN AT BIGLA KA NA LANG MAIPIT. O BAKA MAKAGAT KA NG MALAKING GAGAMBA DIYAN.
Explanation:
Tandaan nating lahat na ang Pangunahing Paksa ang kaisipang pinapalawak; samantalang ang mga pantulong na detalye naman ang nagpapalawak.
Salamat sa iyong presensya. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.