IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

tula sa kaunlarang pangteknolohiya

Sagot :

Ang paggamit ng iisang wika ay nakakatulong sa pambansang kaunlaran. Ang kaunlarang ito ay maaaring sa iba't-ibang aseto tulad ng ekonomiya o teknolohiya.
Ang tula sa ibaba ay nagpapakita ng kaugnayan sa wika at kaunlarang pangteknolohiya.

Ang Teknolohiya at ang Wika
ni: Avon Adarna

Pinagkaitan nga ng mga patinig,
Mga pangungusap – kulang sa katinig,
At kung babasahin sa tunay na tinig,
Ay mababanaag ang kulang na titik!

Sa sulating pormal at mga sanaysay,
Ano’ng pakinabang kung putol at sablay,
Kulang na ang letra’y mali pa ang baybay,
Ang akala yata’y lubhang mahinusay.

Sa paglalahad ng totoong damdamin,
Hindi ba nagkulang sa ibig sabihin?
Sa pagsusulit ba at mga eksamin,
Makapasa kaya kung letra’y kulangin?

Mundong makabago at teknolohiya,
Anong naidulot sa ating pag-asa?
Kabataang dugong mag-aahon sana,
Tila katunggali ng sariling wika.