Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at maaasahang mga solusyon. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
Tayong Lahat ay Magkakaiba ang mga Talento at Kakayahan
Tayong lahat ay may natatanging mga kaloob, talento, at kakayahan na ibinigay sa atin ng ating Ama sa Langit. Noong isinilang tayo, taglay na natin ang mga kaloob, talento, at kakayahang ito (tingnan sa kabanata 2 sa aklat na ito).
Si propetang Moises ay isang dakilang pinuno, ngunit kinailangan niya si Aaron, na kanyang kapatid, upang tumulong bilang tagapagsalita (tingnan sa Exodo 4:14–16). Ang ilan sa atin ay mga pinunong tulad ni Moises o mabuting tagapagsalitang tulad ni Aaron. Ang ilan sa atin ay magaling kumanta o magaling tumugtog ng instrumento. Ang iba ay maaaring mahusay sa isports o nakagagawa nang mahusay gamit ang kanilang mga kamay. Ang iba pang talentong maaaring nasa atin ay ang pag-unawa sa iba, pagtitiyaga, pagkamasayahin, o ang kakayahang turuan ang iba.
Nakinabang na ba kayo mula sa mga talento ng ibang tao?
Para sa mga guro: Ang isang paraan upang ipakita sa mga miyembro ng klase na may malasakit ka sa bawat isa sa kanila ay sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang pangalan. Alamin ang kanilang mga pangalan. Kapag may bagong miyembrong dumalo sa klase, ipakilala siya sa iba.
Dapat Nating Gamitin at Paunlarin ang Ating mga Talento
Paano natin mapapaunlad ang ating mga talento?
Tungkulin nating paunlarin ang mga talentong ibinigay sa atin. Kung minsan iniisip nating wala tayong maraming talento o na biniyayaan ang ibang tao ng mas maraming kakayahan kaysa sa taglay natin. Kung minsan hindi natin ginaga
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.