Makakuha ng mga payo ng eksperto at detalyadong mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

Anong kanya yung lupang hinirang

Sagot :

Answer:

Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Ang himig nito ay ipinalikha, sa taóng 1898, ni Gen. Emilio Aguinaldo kay Julian Felipe, sa ngalang "Marcha Filipina Magdalo". Ang áwítin ay isa sa mga pagsasa-Tagalog ng tulang "Filipinas" na isinulat ni Jose Palma sa taóng 1899 sa wikang Español.

Ang tugtugin ng awit na ito ay isang marcha. Ang unang itinawag dito ay "Marcha Filipina Magdalo" (Marchang Pilipinong pang-Magdalo). Pinalitan ito ng katawagan na "Marcha Nacional Filipina" (Pambansang Marcha ng Pilipinas) nang ang himig at ang Kastilang tula ay gawing pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas.

Unang naipatugtog ang himig ng awit na ito nang ika-12 araw ng Hunyo 1898, sa bánda ng San Francisco De Malabon nang ipahayag ni Gen. Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas mula sa España. Ang mga salitang Kastila ng awit ay naidagdag lamang matapos maisulat ni Jose Palma ang tulang "Filipinas" sa Agosto ng taóng 1899. Ang ibinungang awit ay tinawag na "Patria Adorada" (Sintang Bayan).

Sa panahon ng mga Amerikano, noong dekada 1920, matapos mapawalang-bisa ang Flag Law (batas na nagbabawal ng mga palatandaang maka-Pilipino), ipinanukala ng pamahalaang laan sa kapuluan, na pakana ng Estados Unidos, na isa-Ingles ang awit mula sa Kastila.[1] Ang naging pinakakilalang pagsasalin ng awit ay ang "Philippine Hymn" (Áwítin ng Pilipinas) na ginawa ng Senador Camilo Osias at ng isang Amerikanong si Mary A. Lane. Sa taóng 1938, ang pagsasalin na ito ang kinilala ng Kapulungan ng Pilipinas.

Ang mga pagsasa-Tagalog ng awit na ito ay unang ginawa noong dekada 1940. Ang pinakakilala sa mga ito ay ang "O Sintang Lupa" na isinulat ni Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo. Ilang taon matapos palayain ng Estados Unidos ang Pilipinas, ito ang naging pambansang awit noong taóng 1948.

Sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Ramon Magsaysay, nagbuo ng lupong mapag-aatasan ang Kalihim ng Edukasyon na si Gregorio Hernandez upang paghusayin ang mga salitang Tagalog ng pambansang awit. Nagbunga ito sa kathang "Lupang Hinirang" na unang inawit sa ika-26 ng Mayo 1956. May mga kaunti pang pagbabagong ginawa sa awit na ito sa taóng 1962, at ang kinahinatnan nito ang siyang awit na ginagamit hanggang sa kasalukuyan.