IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Ang makataong kilos ay tumutukoy sa mga kilos kung saan ginagamit ang pagkukusa, kalayaan, at kaalaman ng tao. Dahil ang mga makataong kilos ay ginagamitan ng kalayaan at kaalaman, ang tao ay responsable para sa mga kilos na ito, maging maganda man o masama ang resulta ng mga ito.
Kahulugan ng Makataong Kilos
- Ang makataong kilos ay ang mga kilos na kusang ginawa ng mga tao. Ito ay karaniwang ginagamitan ng pagkukusa, kalayaan at kaalaman.
- Kapag ang tao ay gumawa ng makataong kilos, siya ay gumamit ng kanyang pagsusuri at konsensya para gawin ito. Ibig sabihin, siya ay responsable para sa kilos na ito.
- Bukod pa rito, ang makataong kilos ay isa sa mga dalawang uri ng kilos ng tao.
2 Uri ng Kilos ng Tao
Ang makataong kilos ay isa sa mga dalawang uri ng kilos ng tao. Narito ang dawalang uri ng kilos ng tao:
- Kilos ng tao - Ito ay tumutukoy sa mga likas na kilos na nagaganap sa katawan ng tao. Hindi ginagamitan ng pag-iisip at pagdedesisyon ang mga kilos na ito. Ang halimbawa ng kilos ng tao ay ang pagtibok ng puso.
- Makataong kilos - Ang paliwanag ukol dito ay nasa itaas.
Iyan ang kahulugan ng makataong kilos. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:
- Bakit mahalaga ang pagiging makatao? https://brainly.ph/question/75587
- Halimbawa ng pagiging makatao: https://brainly.ph/question/879380 at https://brainly.ph/question/127077
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.