Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
1. Espanyol – ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo
2. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.
3. Dumami na ang natutong magbasa at Magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Noong 1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na. (Boras-Vega 2010)
4. Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na- Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika.
5. Noong Marso 24, 1934, pinagtibay Ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings- McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.
6. Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 Sa Saligang-Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Pebrero 8, 1935)
7. Katutubong wika/ pangunahing wika sa Pilipinas: Cebuano Pangasinan Hiligaynon Kapampangan Samar Leyte Tagalog Bikol Ilokano
8. Oktubre 27, 1936 Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
9. Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
10. Tungkulin ng SWP: 1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang; 2. Paggawa ng paghahambing at pag- aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto; 3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Pilipino;
11. Tungkulin ng SWP: 4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, at (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
12. Enero 12, 1937 Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333
13. Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod: Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – Tagapangulo Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong Tagapagpaganap Santiago A. Fonacier (Ilokano) - Kagawad Filemon Sotto – (Visayang Cebu) - Kagawad Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) – Kagawad Casamiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad Hadji Butu (Muslim), Kagawad Mga Kagawad Lope k. Santos (Tagalog) Jose I. Zulueta (Pangasinan) Zoilo Hilario (Kapampangan) Isidro Abad ( Visayang Cebu)
14. Nobyembre 9, 1937 Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ang “siyang halos na lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184”, kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
15. Disyembre 30, 1937 Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di- Tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos:
16. 59.6% sa Kapampangan 48.2% sa Cebuano 46.6% sa Hiligaynon 49.5% sa Bikol 31.3% sa Ilokano 9 to 10 libong salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan sa pangunahing wika natin
17. Noong Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang: 1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa; at 2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
.
.
. Tagalog – katutubong Wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935) Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
Salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.