Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Sagot :
Malaki ang ugnayan ng pag-unlad ng sarili at ang pag-unlad ng bayan. Sinasabing ang pinakamahalagang salik ng isang bayan ay ang mga mamamayan nito.
Ang mga mamamayan ang nagpapatakbo nito at kung magiging maunlad ang bawat indibidwal ay magiging maunlad rin ang buong bayan.
Kung mabibigyan ng isang indibidwal na mapaunlad ang kaniyang sarili, katulad ng pag-aaral nang mabuti, pagiging masunurin sa batas, paggalang sa kapuwa, pagiging produktibo at pagkakaroon nang marangal na hanapbuhay, tiyak na susunod na rito ang pag-unlad ng bayan.
Sinasabi ngang ang bawat pagkilos nang maayos ay tiyak na magbubunga rin nang maganda. Kung makikita ang disiplina at pagkakaisa ng bawat isang bahagi ng bayan, tiyak na makalalayo sa mga suliranin at isyu ang lugar na iyon.
Kung mapayapa ang pagkilos at pamumuhay sa isang bayan, mas makatutuon sila sa mga gawain at proyektong magdadala sa kanilang pag-unlad.
Tungkulin kasi ng bawat isa na gawing produktibo ang sarili. Sa pamamagitan ng pagyakap sa mga nakaatang na responsibilidad, siguradong walang balakid sa pag-unlad.
Tinatawag nga sa English na “domino effect” ang ganitong penomina. Kung maganda ang ipinamamalas ng bawat isa, siguradong mas magiging maganda at maunlad ang bayan dahil tayo lang naman ang aasahan nito upang mas umunlad.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.