Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

1.Paano nakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pagkagising ng damdaming makabansa ng mga Pilipino? *

Q.Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga Pilipino sa mga Amerikano upang kalabanin ang mga Espanyol

B.Naging mabilis ang paglalakbay at nakapasok ang mga kaisipang liberal sa bansa.

C.Nagkaroon ng maraming kaibigang bansa ang Pilipinas upang matulungang mapalayo ang mga mananakop sa bansa

2. Alin ang naging pangunahing bunga ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Kanluran at Silangan sa mga Pilipino? *

A.Pumasok sa Pilipinas ang ibat-ibang paniniwala at ideya mula sa Europa

B.Nakilala ang Pilipinas sa pagiging isang maunlad na bansa

C.Naging malawak ang impluwensya ng Pilipinas sa buong mundo pagdating sa larangan ng kalakalan

3. Paano nakatulong ang adhikain ng Rebolusyong Pranses sa mga Pilipino? *

A.Nagbibigay ito ng mga ideya sa mga Pilipinong maaaring magkaroon ng pagkakapantay-pantay, kalayaan at pagkakapatiran sa loob ng bansa

B.Naging abala sa pagtulong ang mga Espanyol sa Pransya kaya't bahagyang nakaligtaan ang Pilipinas

C.Nahingan nila ng tulong ang mga Pranses sa pakikipaglaban sa mga Espanyol

4. Bakit maraming Espanyol ang nagalit kay Carlos Maria de la Torre nang siya aymanungkulan bilang gobernador-heneral ng bansa? *

A.Dahil sa pagbibigay ng ilang pribilihehiyo at magandang turing sa mga Pilipino bilang bahagi ng lipunan

B.Dahil sa pagbibigay niya ng mataas na posisyon sa mga Pilipino sa pamahalaan

C.Dahil sa pagpapatapon niya sa mga Espanyol pabalik sa Espanya

5. Alin ang HINDI kabilang sa ilalim ng Dekretong Edukasyon ng 1863? *

A.pag-aaral ng mga babae sa unibersidad

B.pagbubukas ng mga paaralang normal

C.pagbubukas ng mga paaralang pampubliko

6. Bakit hinadlangan ng mga Espanyol na maging mahusay o dalubhasa ang mga Pilipino? *

A.dahil ayaw nilang lumawak at mabuksan ang kaisipan ng mga Pilipino

B.dahil likas na mahusay ang tingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino

C.dahil walang pambayad sa paaralan ang mga Pilipino

7. Ano ang negatibong epekto ng edukasyong kolonya sa buhay ng mga Pilipino? *

A.Bumababa ang tingin ng mga Pilipino sa sariling kultura

B.Lalong walang natutuhan ang mga Pilipino

C.naging tamad ang mga Pilipino

8. Alin ang HINDI kabilang sa panggitnang uri ng tao sa lipunan noong panahon ng pananakop ng Espanyol *

A.kapitan ang kanilang mga anak

B.mga ilustrado at mestizong Espanyol

C.peninsulares at insulares

9. Paano nakatulong ang paglitaw ng panggitnang uri sa pagsibol ng kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino? *

A.Ang mga anak ng mga kabilang sa panggitnang uri o clase media ay nakapag-aral sa ibang bansa at nagkaroon ng pagkakataong matutuhan ang mga liberal na kaisipan

B.Ang mga mestizong Espanyol ay naging makapangyarihan sa bansa na naging dahilan upang maiahon sa kahirapan ang mga katutubo

C.Yumaman ang mga kabilang sa panggitnang uri na naging dahilan upang mapasailalim sa kanilang kapangyarihan ang mga Espanyol

10. Alin sa mga ito ang HINDI naging bunga o epekto ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga Pilipino sa tulong ng Dekretong Edukasyon ng 1863? *

A.Naging sunod-sunuran ang mga Pilipinong nakapag-aral sa mga Espanya

B.Lumawak ang kaisipan at pananaw ng mga Pilipino di lamang para sa sariling buhay kundi maging sa bayan

C.Higit na tumaas ang antas ng pagbasa, pagbilang at pagsulat ng mga Pilipino