Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
Lima na paraan para mapaunlad ang tiwala sa sarili
1. Huwag matakot mahusgahan
May mga pagkakataong nahihiya ang isang tao dahil takot siyang mahusgahan. Takot siya sa mga panghuhusga na maaring ibato o sabihin sa kanya, dahil may mga taong hindi kinakaya ang mga panghuhusga ng iba kung may tiwala ka sa iyong sarili, hindi ka matatakot sa kahit na sino sapagkat panatag ka sa iyong mga kayang gawin na maari mong maipagmalaki sa ibang tao.
2. Huwag panghinaan ng loob
Isang halimbawa dito ay pagsali sa mga paligsahan o patimpalak sa isang paaralan. Ang isang mag-aaral ay may talento sa pagkanta, dahil may tiwala siya sa kanyang sarili, susubukan niyang sumali at ipakita ang kanyang talento sa ibang tao manalo man o matalo.
3. Huwag ikahiya ang sarili
Ang mga taong mahiyain ay walang tiwala sa sarili, iniisip nila na hindi nila kaya kahit kayang kaya naman. Minsan iniisip nilang hindi sila magaling sa isang bagay kahit na may kakayahan naman at talento kaya kung may tiwala ka sa sarili mo, palagi mong iisipin na kaya mo at hindi ka susuko hanggat may gusto ka pang patunayan sa sarili mo.
4. Magpursigi na maabot ang iyong mga pangarap sa buhay.
Ang pagkakaroon ng tiwala sa iyong sarili ang magdadala sa iyo sa buhay na pinapangarap mo, pursigido kang maabot ang mga layunin at mithiin mo sa buhay, kahit ano man ang hirap at pagsubok ang iyong pagdaraaanan, basta alam mo sa sarili mo na kaya mo magpapatuloy ka hanggat hindi mo naabot ang mga pangarap mo.
5. Huwag sumuko
Lalaban at lalaban ka hanggat kaya mo at hindi mo kailanman maiisip ang sumuko dahil malakas ang tiwala at pananalig mo sa sarili mo na kaya mo.
6. Palaging maging positibo ang pananaw sa buhay.
Maging positibo palagi at isipin na ang lahat ng nangyayari ay may rason o dahilan. Magtiwala ka lang sa kalooban ng Diyos.
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.