IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

sa iyong palagay ano axng naging epekto ng pagsakop ng espanyol sa ating kultura​

Sagot :

Answer:

Epekto ng Pananakop ng Espanyol sa Pilipinas

Pinagkaitan ng kalayaan, katarungan at maayos na pagtrato sa karapatang pantao ang mga Pilipino.

Mas tinangkilik ng mga Pilipino ang mga imported na mga produkto dahil sa kaisipang kolokyal.

Napigilan ang pagpapaunlad ng agham at teknolohiya ng bansa.

Hindi naging makatarungan ang pagtuturo dahil nabigyang diin ang pagtuturo ng relihiyon.

Pinaglayo ang antas ng pamumuhay, mas iniangat ang mga mayayaman at ginawang alipin ang mga mahihirap.

Nagkaroon ng tapang, nagkaisa at nagtulungan ang mga bayaning Pilipino na handang ibuwis ang kanilang buhay upang makawala sa mga mapang-aping mga dayuhan at upang makamit ang kasarinlan.

Ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas ay isa sa pinakamahirap na pananakop na naranasan ng mga Pilipino laban sa mga dayuhang mananakop. Ang mga Pilipino ay ginawang mga alipin sa sariling bayan at hindi pinatikim ng kaginhawaan mula sa sarili nitong likas na kayamanan. Tunay ngang nakalulungkot ang pinagdaaanan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila, inalisan sila ng karapatan at kalayaan sa sariling bayan. Ang pananakop ng mga Kastila ay masasabing panahon ng pagmamalabis at kalupitan. Sa loob ng mahigit labing-pitong dekada ay nagtiis, nakipaglaban at nagbuwis ng buhay ang mga bayaning Pilipino upang makawala at makaligtas sa mga pang-aapi at makamit ang kasarinlan at kalayaang hinahangad at pinapangarap.

Mga Dahilan ng Pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas

Ang mga Kastila ay may misyong manakop ng mga lupain sa daigdig at isa na rito ay ang hangaring masakop ang Pilipinas.

Sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas upang makatuklas ng mga ruta patungong Silangan.

Isa rin itong bahagi ng pagkakatuklas ng mga lupain noong ika-15 hanggang ika-16 na siglo.

Sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas dahil sa pampulitikang hangarin.

Isa sa pinakang dahilan ng mga Kastila sa pananakop ng Pilipinas ay upang maipalaganap sa bansa ang relihiyong Kristiyanismo.

Explanation:

Hope this helps <3

#Carry on Learning