Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na talata. Isulat ang angkop na pamagat sa patlang

16. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila ay naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin
Pamagat:

17. Isa sa mga kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain, May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.
Pamagat:

18. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating mga mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkaing mayaman sa bitamina A ay atay, itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas. Pamagat:

19. May iba't ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganahan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan
Pamagat:

20. Ang COVID-19 ay isang uri ng sakit na kumakalat ngayon sa buong mundo. Ito ay nagdudulot ng lubhang pagkabahala sa lahat dahil sa nakamamatay ito. Makukuha ang sakit na ito kapag pumasok sa loob ng ating katawan ang virus. Ang virus ay karaniwang pumapasok sa loob ng katawan sa pamamagitan ng mata, ilong at bibig. Ang mga taong may mahinang immune system ay kalimitang kinakapitan nito. Pamagat:​


Sagot :

Answer:

16. Katangiang Maipagmamalaki ng mga Pilipino

17. Bayanihan

18. Bitamina A

19. Kahulugan ng bawat Kulay

20. COVID-19

16. kabutihan Ng ka looban

17.tradisyon

18.kalusugan ay pangalagaan

19.kahulugan Ng kulay

20.ang covid 19