Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
MGA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG PAMILYA
- Ang pamilya ay dapat nagmamahalan
- May pagtutulungan at pagkakaisa ang bawat isa
- may pagkakaunawaan upang maiwasan ang alitan.
- Dapat may respeto at paggalang sa isa't-isa lalo na sa mga magulang
- May pagbibigayan at huwag maging madamot
- May tiwala sa isa't-isa
- Ang mga anak ay dapat maging masunurin sa mga magulang
- Dapat may malakas na pananampalataya sa Panginoon
Sa aking palagay ang pinakamahalagang katangian na dapat taglayin ng isang pamilya ay ang sumusunod;
- Pananagutan / komitment - makakatulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isat - isa, sa pagiging tapat , sa pagsasama - sama bilang isang pangkat at sa pag aalaga sa isat - isa.
- Pagpapahalaga - kung ipinakikita natin ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng mga salita at gawa , naipapakita natin sa ating pamilyang pinahahalagahan at itinatangi natin sila.
- Pag - aagapay - Dumaraan sa panahong nagkakaproblema ang pamilya . Sa pag-aagapay nila sa isat - isa sa panahon ng problema mas nagiging matatag at malapit sila sa isat - isa .
- Komunikasyon - gaano man kahirap , importante sa isang pamilya ang komunikasyon. Kailangan nating pakinggan at unawaan ang isat - isa . Sa ganitong paraan tayo ay natututong magtiwala at umasa sa isat isa.
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.