IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng eksperto. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Bagong Bahay, Bagong Pag-asa!
ni: Janice D. Reyes
Masayang-masayang tinitingnan nina Xander at Janna ang bago nilang
nilipatang bahay sa Malolos, Bulacan. Malayong-malayo kasi ito sa
pinanggalingan nilang barong-barong sa tabi ng malaking estero sa Marikina.
Wala sila ritong nakikitang mga basura at walang masamang amoy sa kanilang
paligid. Sa halip ay may maliit pa silang bakuran sa harap at likod ng kanilang
bagong bahay. Pwede silang magtanim ng mga gulay at halamang
namumulaklak.
Kahit na maliit ang kanilang bagong bahay ay malinis at maayos ito. At
ang pinakamahalaga ay sa kanila na ito. Maraming planong gawin sina Xander at
Janna sa kanilang bahay at bakuran. Sila ay kabilang na sa mga pamilyang may
magandang hinaharap at may maayos na tinatahak. Nakakatuwa pa dahil
tulong-tulong ang mga tao sa pook na ito
1. Bakit masayang-masaya sina Xander at Janna sa bago nilang nilipatan?
A. mas marami silang kapit-bahay rito
B. mas maraming tao rito kaysa sa pinanggalingang lugar
C. mas malinis ito kaysa sa pinanggalingang lugar
D. mas maliit ito kaysa sa pinanggalingan nila
2. Kung maganda at malinis ang kapaligiran, ano ang nagiging epekto nito sa
mga tao?
A. wala silang pakialam
B. nagkakaroon sila ng kasiglahan
C. nawawalan sila ng kasiglahan
D. nagkakaroon sila ng kapitbahay
3. Ano kaya ang ginawa ng magkapatid sa kanilang bakuran?
A. nagtanim sila ng mga gulay at halaman
B. tinambakan ito ng basura
C. ginawa nilang laruan
D. ginawa nilang sampayan ng mga damit
4. Kung sila ay nakapagtanim na ng mga gulay at halaman. Anong kapaligiran
mayroon sila?
A. magiging tigang ang lupa
B. sisikip ang kanilang bakuran
C. mabahong lugar
D. malayo sa polusyon
5. Bakit kaya labis ang katuwaan nina Xander at Janna sa bago nilang
nilipatang bahay?
A. Malawak ang kanilang mapaglalaruan.
B. Kahit maliit ang kanilang bahay ay sarili na nila ito.
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.