IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
Answer:
May mga panahon na mas kailangang maghugas ng kamay para maprotektahan ang kalusugan mo at ng ibang tao. Dapat kang maghugas ng kamay:
Pagkatapos gumamit ng palikuran.
Matapos palitan ang diaper ng bata o matapos siyang tulungang gumamit ng palikuran.
Bago at pagkatapos gumamot ng sugat.
Bago at pagkatapos makasama ang mga maysakit.
Bago maghanda ng pagkain, maghain, o kumain.
Matapos bumahin, umubo, o suminga.
Matapos humawak ng hayop o dumi nito.
Matapos humawak ng basura.
Tiyakin din na tama ang paghuhugas mo ng kamay. Ipinakikita ng mga pag-aaral na karamihan sa mga gumagamit ng pampublikong palikuran ay hindi naghuhugas ng kamay matapos gumamit nito o hindi naghuhugas nang tama. Ano ba ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay?
Basain ang mga kamay sa malinis at umaagos na tubig at magsabon.
Pagkuskusing maigi ang mga kamay hanggang sa maging mabula ang mga ito, at huwag kalimutang linisin ang iyong mga kuko, hinlalaki, ibabaw ng kamay, at pagitan ng mga daliri.
Pagkuskusin ang mga kamay nang di-kukulangin sa 20 segundo.
Magbanlaw sa malinis at umaagos na tubig.
Tuyuin ng malinis na pamunas o paper towel.
Simpleng hakbang lang ang mga ito pero makatutulong para makaiwas sa sakit at magligtas ng buhay.
2 GUMAMIT NG MALINIS NA TUBIG
Isang baso ng malinis na tubig at ilang hiwa ng lemon
Sa ilang bansa, ang pag-iigib ng malinis na tubig ay bahagi na ng pang-araw-araw na gawain. Pero nagiging problema ang malinis na tubig saanmang bahagi ng mundo kapag ang suplay ng tubig na iniinom ay nakontamina dahil sa baha, bagyo, sirang tubo, o iba pang dahilan. Kapag marumi ang pinagkunan ng tubig o hindi ito naimbak nang tama, maaari itong pamugaran ng mga parasito, at pagmulan ng kolera, nakamamatay na diarrhea, tipus, hepatitis, at iba pang impeksiyon. Maruming tubig ang isa sa mga dahilan ng tinatayang 1.7 bilyong kaso ng mga sakit na nauugnay sa diarrhea taon-taon.
May magagawa ka para hindi ka madaling tablan ng sakit
Kadalasan, ang kolera ay nakukuha sa inumin o pagkaing kontaminado ng dumi ng mga taong may ganitong sakit. Anong mga hakbang ang puwede mong gawin para maprotektahan ang iyong sarili mula sa kolera at iba pang uri ng kontaminasyon sa tubig, lalo na pagkatapos ng isang sakuna?
Siguraduhin na ang inyong tubig na iniinom—pati na ang ginagamit sa pagsisipilyo, paggawa ng yelo, paghuhugas ng pagkain at plato, o pagluluto—ay malinis ang pinagmulan, gaya ng pampublikong suplay na sumailalim sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya.
Kung sakaling makontamina ang tubig sa gripo, pakuluan ang tubig o gamitan ito ng angkop na kemikal na panlinis.
Kapag gumagamit ng kemikal, gaya ng chlorine o mga water-purifying tablet, maingat na sundin ang instruksiyong kasama nito.
Gumamit ng de-kalidad na water filter, kung may mabibili at abot-kaya.
Laging iimbak ang nilinis na tubig sa lalagyang malinis at may takip para maiwasang makontamina ulit.
Kapag kumukuha ng tubig sa lalagyan, tiyaking malinis ang anumang panalok na gagamitin.
Tiyaking malinis ang kamay kapag humahawak ng lalagyan ng tubig, at huwag isawsaw ang daliri o kamay sa tubig na inumin.
3 MAG-INGAT SA KINAKAIN
Iba’t ibang masustansiyang pagkain
Para maging malusog, napakahalaga ang tamang nutrisyon, at para sa tamang nutrisyon, kailangan ang masustansiya at balanseng pagkain. Baka kailangan mong suriin ang asin, taba, at asukal na pumapasok sa iyong katawan, at kontrolin ang dami ng iyong kinakain. Kumain ng iba’t ibang klase ng prutas at gulay. Kapag bumibili ng tinapay, cereal, pasta, o bigas, tingnan ang listahan ng ingredient para makapili ng pagkaing gawa sa whole grain. Ang mga ito ay mas masustansiya at mas mayaman sa fiber kaysa sa mga gawa sa refined grain. Pagdating naman sa protina, kumain ng kaunting karne na walang taba, at sikaping kumain ng isda ilang beses bawat linggo hangga’t maaari. Sa ilang bansa, ?
Salamat sa iyong presensya. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.