IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga sagot ng eksperto. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Isaisip Mula sa binasang teksto tungkol sa produksiyon. Narito ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan: 1. Hindi lahat ng bagay sa paligid ay maaaring ikonsumo agad ng tao. 2. May mga bagay na kailangan pang idaan sa proseso upang maging higit na kapaki-pakinabang. 3. Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik. 4. Ang lupa, bilang salik ng paggawa, ay fixed o takda ang bilang kaya't mahalaga ang wastong paggamit nito. 5. Ang likas na yaman at hilaw na sangkap ay dapat gawing produkto upang maging kapaki-pakinabang. 6. Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo. 7. Ang white collar job bilang uri ng lakas-paggawa ay tumutukoy sa mga manggagawang mas ginagamit ang isip kaysa lakas sa paggawa. 8. Ang blue-collar job naman ay tumutukoy sa mga manggagawang may kakayahang pisikal. 9. Ang paggawa ng produkto o serbisyo ng mga manggagawa ang siyang tumutustos sa pangangailangan ng mga tao. 10. Kapital ang tawag sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. 11. Ang pagsulonh ng ekonomiya ng isang bansa ay nakadepende sa lupa, lakas- paggawa at kapital. 12. Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng tao na magsimula ng negosyo. 13. Entrepreneur naman ang tawag sa tagapag-ugnay ng naunang salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto o serbisyo. 14. Ang innovation o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa. 15. Ang produksiyon ang siyang tumutugon sa pangangailangan ng tao.
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.