Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng maraming kaalaman. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

12. Ano ang pinakaangkop na dahilan sa pagpapalit ng tawag sa Wikang Pambansa ng Pilipinas mula Pilipino ay naging Filipino?

A. Iba-iba ang namuno sa Kagawaran ng Edukasyon
B. Sinunod ang kagustuhan ng mamamayang Pilipino.
C. May mga pananaliksik na ginawa tungo sa ikauunlad ng wika.
D. Ang mga namuno sa bansa ay hangad ang pagbabago ng wika.

13. Ano ang dahilan na jalinsabay sa panahon ang gramatika ng Wikang Pambansa?
A. Mabigyang-tuon ang ebolusyon ng wika.
B. Matamo ang paraan ng paggamit ng wika.
C. Mabigyang-pansin ang wikang ginagamit sa kasalukuyan.
D. Mapaunlad ang wika kasabay ng pagbabago ng panahon.

14. Bilang mag-aaral, bakit mahalagang matutunan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa?
A. Mapahalagahan ang kasarinlan.
B. Malaman ang ebolusyon ng wika.
C. Matutuhan ang paggamit ng wika.
D. Mapalaganap ang wikang ginamit.


15. Bilang isang Pilipino, paano mo maipakita ang pagtangkilik sa sariling wika?
A. Paggamit ng jejemon na salita
B. Pagbigkas nito kung kailangan
C. Pakikinig ng mga OPM na kanta
D. Paggamit ng pananalitang conyo​