Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

sariling puna ng biag ni Lam-ang?​

Sagot :

Answer:

Pinagmulan

Ang epiko na “Biag ni Lam-ang” ay isang tradisiyonal na kuwento mula sa mga Ilokano sa Ilocos, na nasa hilagang bahagi ng Pilipinas. Ito ay itinuturing pinakamatandang epikong tula na Pilipino. Salindila ang paraan ng pagkukuwento nito, hanggang mga 1640, noong isinulat ito ng isang makatang nangangalang Pedro Bukaneg. Ngunit maraming nagsasabing hindi siya ang nagsulat dahil bulag siya. Gayundin, ito ay isang mabuting halimbawa ng panitikang Pilipino.

Ang Kuwento

Pagkaanak ni Lam-Ang

Isang maharlikang nangangalang Don Juan ay nanirahan sa Nalbuan, na ngayon ay bahagi ng La Union, Ilocos, kasama ang kaniyang asawang si Namongan. Habang buntis sa Namongan sa kanilang anak, umalis si Don Juan at tumungo sa bulubundukin upang parusahan ang kaniyang mga kaaway na Igorot. Habang wala si Don Juan, nanganak si Namongan. Kinailangan ng 4 na tao para lang tulungan siyang manganak. Nang lumabas ang bata, bigla siyang nagsalita, at sinabing gusto niyang mapangalangang Lam-ang. Pinili rin ni Lam-ang kung sino ang magiging ninong at ninang niya. Tinanong niya si Namongan kung nasaan ang kaniyang ama, at naghintay siya nang siyam na buwan.

Pagtungo sa Bulubundukin

Pagkalipas ng siyam na buwan, inisip ni Lam-ang na hahanapin na lang niya sa Don Juan. Pinaalis siya ni Namongan nang may lungkot. Habang nagbibiyahe siya, nagpahinga siya at nakatulog. Biglang napanaginipan niya ang pugot na ulo ng kaniyang ama na natusok sa isang mahabang sibat ng isang Igorot. Nang gumising siya, pumunta siya sa nayong ng mga Igorot at pinatay niya ang lahat ng mga ito sa galit, liban na ang isang pinalaya niya para ikuwento ang anong nangyari sa kaniyang mga kababayan, at para rin ikuwento kung gaano kalakas at kamangha-mangha si Lam-ang.

Pagbalik sa Nalbuan at Pagligaw kay Ines Kannoyan

Bumalik si Lam-ang sa Nalbuan. Pinaliguan siya ng mga babae ng nayon sa Ilog Amburayan. Sobrang tindi ang karumihan at kabahuan niya na namatay ang lahat ng mga isda sa ilog.

Naligo siya dahil manliligaw siya sa isang dalagang nangangalang Ines Kannoyan na naninirahan sa Calunutian. Nang bumiyahe siya roon dinala niya ang kaniyang aso at ang kaniyang tandang. Habang tumutungo siya sa Calunutian nakisalamuha niya ang kaniyang kalabang si Sumarang, na manliligaw rin sana kay Ines Kannoyan. Tinalo niya ito sa pamamagitan ng pagtapon ni isang sibat gamit lang ang kaniyang hinliliit. Nakisalamuha rin siya sa iba-ibang mga nilalang na kaniyang natalo.

Nang dumating siya sa Calunutian, nakakita siya ng isang mahabang linya ng mga manliligaw na nasa harap ng bahay ni Ines Kannoyan. Ang ginawa niya ay pinatilaok niya ang kaniyang mahikal na tandang. Dahil sa tilaok bumagsak ang isang malapitang bahay. Napatingin tuloy si Ines Kannoyan sa labas ng kaniyang bahay. Pinatahol ni Lam-ang ang kaniyang aso. Napatayo muli ang bahay na nabagsak. Dahil sa sobrang mangha ng magulang at ni Ines sa pangyayaring ito pinatawag nila si Lam-ang. Itinapat ng tandang ang pagmamahal ni Lam-ang para kay Ines. Sinabi ng magulang ni Ines na ipapakasal nila si Ines ka Lam-ang kung magbibigay si Lam-ang ng doteng hahalagang doble ng buong kayamanan ni Ines. Ginawa ito ni Lam-ang, nagpakasal na sila at bumalik sila sa Nalbuan.

Pagkamatay at Muling Pagkabuhay

Isang tradisyon ay dapat lumangoy ang bagong kasal na lalaki sa ilog para maghanap ng isang uri ng isda; ang isdang rarang. Ngunit nang ginawa ito ni Lam-ang lumangoy siya nang hindi inaasahan sa bibig ng nilalang na nangangalangang Berkakan. Kinuha ni Ines Kannoyan ang kaniyang mga buto, tinakpan ng isang kumot, at pinatilaok niya ang tandang at pinatahol niya ang aso. Biglang gumalaw ang mga buto at muling nabuhay si Lam-ang. Sa wakas, namuhay sina Lam-ang at Ines Kannoyan nang masaya.

paki brainles po