IDNStudy.com, ang iyong platform para sa mga sagot ng eksperto. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ibig SABIHIN Ng pag ayuno

NON SENSE:REPORT
SENSE:10 POINTS​


Sagot :

Answer:

Ano nga ba ang pag-aayuno?

Ang pag-aayuno o fasting sa Ingles ay ang hindi pagkain ng kumpleto sa mahal na araw. Maari lamang kumain ng isang buong kain o meal at maliliit na bahagi ng pagkain sa buong araw. Ito ay palagiang ginagawa tuwing araw ng kuwaresma o mahal na araw. Kasabay din nito ang tinatawag nilang pagngingilin.

Ano naman ang ibig sabihin ng pagngingilin?

Ang pagngingilin naman o ang tinatawag na abstinence sa Ingles ay ang pag-iwas sa pagkain ng karne kahit na ang mga sabaw na gawa rito sa mahal na araw o araw ng kwaresma. Ang maari lamang kainin ay ang karne ng isda. Mayroon ding hindi pag gawa ng nakasanayan sa araw na iyon bilang tanda ng paghingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan.

Ano ba ang araw ng kwaresma?

Ito ang araw na ipinagdiriwang natin ang Resureksiyon ng ating Panginoong Hesus. Kung saan siya ay naghirap, nagsakit at napako sa krus dahil sa ating mga kasalanan. Iniligtas niya tayo upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Siya ay ibinigay ng Diyos Ama sa atin upang tayo ay matubos at dahil tayo ay mahal niya. Sa pamamagitan ni Hesus, siya ang magiging daan upang ang sanlibutan ay mailigtas.

Mga aktibidad na ginagawa sa araw ng kwaresma

Pag bisita iglesya sa ibang mga simbahan. Kadalasan ay 7 o 14 na simbahan ang pinupuntahan ng mga deboto upang magawa ang mga stations.

Mga prusisyon na ginagawa ng mga simbahang Katoliko.

Pag punta sa mga istasyon na itinalaga ng mga Katoliko.

Mga recollection na ginagawa lalo na ng mga paaralan o maging ang kumpanya na pinagtatrabahuan.

Sa Pampanga, kilala sila bilang sa pag gaya ng mga ginawa ni Hesus sa kalbaryo.

Mga senakulo na nagpapakita ng mga pinagdaanan ni Hesus.

Sa mga Born Again Christian naman, sila ay taimtim na nananalangin at nagpapasalamat kay Hesus sa ginawa nito sa bundok ng kalbaryo upang tayo ay mailigtas.

Sa mga ibang simbahan, nagkakaroon sila ng mga programa tungkol kay Hesus at kung paano niya tayo niligtas mula sa kasalanan.

Ang ibang lugar ay may tinatawag na Gewang-Gewang o Daang Krus kung saan ito ay dinadayo pa ng ibang turista upang masaksihan ito.

Importanteng mensahe ng panahon ng kwaresma

Tayo ay magsisi sa ating mga kasalanan na nagawa at hindi na muli natin itong gawin.

Tayo ay manalangin at magpasalamat ng buong puso kay Hesus at sa Diyos Ama dahil sa sakripisyo na ginawa niya ng dahil sa pagmamahal niya sa atin.

Tayo ay magnilay nilay at magkaroon ng repleksyon sa ating mga sarili upang tayo ay maging mabuting tao na naaayon sa utos ng Diyos sa atin.

Tayo ay magpuri sa Panginoon sapagkat kung hindi dahil sa kanya ay nabubuhay pa rin tayo sa mga masasamang gawain.

Tayo ay sumampalataya kay Hesus sapagkat ng dahil sa kanya tayo ay naligtas at natubos sa ating mga kasalanan.

Ganoon na lamang ang pagmamahal sa atin ng ating Diyos Ama sapagkat binigay nya ang kanyang bugtong na anak na si Hesus na siyang magliligtas sa atin at magbibigay ng buhay na walang hanggan.

Explanation:

brainliest please