IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa malinaw na mga sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Panuto: Pilin at isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel. 1. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang ipinakita sa pangyayari? A. Pagsaboy ng kahihiyan sa kapwa C. Pagdiriwang ng kapistahan B. Pagpapasaya sa sambayanan D. Pagbabayad ng utang 2. Matapos ang ilang taon, natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni La Esmeralda at nasilayan ang kalansay ng kuba na nakayakap sa katawan ng dalaga. Anong katotohanan sa pangyayaring ito ang maiuugnay natin sa totoong buhay? A. Ang tunay na pagkakaibigan ay laging nagdadamayan. B. Ang wagas na pagmamahal ay hanggang kamatayan. B. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing marangal. D. Ang pagmamahal sa kaibigan ay pagsama kahit saan. 3. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang ng kaunting awa sa kanya ang dalaga. Alin sa sumusunod ang larawang maiuugnay natin sa tunay na buhay? Isang lalaking sugatan ang damdamin dahil sa kabiguan Isang amang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang anak Isang manliligaw na hindi ginusto ng nililigawan Isang lalaking sumuko na sa kabiguan 33 4. Nang makita ni Quasimodo si La Esmeralda na nakaputing bestida at wala nang buhay ay naramdaman niya ang di maipaliwanag na damdamin kaya niyakap niya ito nang mahigpit. Alin sa mga sumusunod ang kasalukuyang pangyayari na maihahalintulad dito? A. Isang lalaking nagpakasal sa bangkay ng kasintahan B. Isang lalaking di matanggap ang sinapit ng asawang OFW C. Isang lalaking hinukay ang libingan ng asawa D. Isang lalaking nagkamali sa pagpili ng asawa. 5. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Aling pangyayari sa kasalukuyan ang maiuugnay natin sa bahaging ito ng nobela? A. Isang lalaki ang napabalitang pinatay ng hindi kilalang salarin. B. Isang lalaki ang bigla na lamang inatake sa puso sa isang sayawan. C. Isang lalaking nakasagupa ng away sa gitna ng inuman. D. Isang lalaki ang walang habas na pinagtataga dahil sa away sa lupa. 6. Tinatawag siyang babaeng “hamak na mananayaw” at anak ng magnanakaw. A. La Esmeralda C.Quasimodo B. Sister Gadule D.Phoebus 7. Anong sangkap ng dula ang itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula? A. karakter C. diyalogo B. tanghalan D. iskrip 8. Alin sa sumusunod na elemento ng dula ang tumutukoy sa mga binibitiwang linya ng mga aktor? A. karakter C. diyalogo B. tanghalan D. iskrip 9. Alin sa sumusunod na sangkap o elemento ng dula ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip? A. karakter C. diyalogo B. tanghalan D. iskrip 10. Anong sangkap ng dula ang tumutukoy sa pook na pinagpasyahang pagtatanghalan ng dula? A. karakter C. diyalogo B. tanghalan D. director 11. Ito ay sangkap ng dula na siyang nagpapakahulugan sa isang iskrip? A. karakter C. diyalogo B. tanghalan D. director 12. Dumating si La Esmeralda at lumapit ang dalaga sa kanya na may hawak na isang basong tubig. Pinainum siya.Paano inilarawan si La Esmeralda sa pahayag? A. may malasakit sa kapwa C. may kabutihang loob B. may malaking pagkagusto D. may pagmamahal 13. Sino ang sumulat ng akdang Ang Kuba ng Notre Dame? A. Guy de Maupassant C. Lualhati Bautista B. Victor Hugo D. Eros Atalia 34 14. Sino ang pinananiwalaan na dating mayaman subalit nawalan ng bait nang mawala ang anak na babae? A. La Esmeralda C. Claude Frollo B. Sister Gudule D. Phoebus 15. Siya ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian? A. Pierre Gringoire C. Phoebus B. Claude Frollo D. Quasimodo ​