Sa kabila ng mga argumento, ang mga pinakaunang pabula ay pinaniniwalaang nagsimula sa sinaunang mga kabihasnan sa Greece sapagkat tanging ang mga gawa lamang ng griyegong manunulat at mananalaysay na si Aesop ang epektibong naka-impluwensya’t naibahagi sa mundo. Nagsimulang sumikat ang mga pabula noong middle ages kaya naman bago matapos ang ikalabindalawang siglo, nailimbag na ang ilang mga koleksyon na naglalaman ng iba’t ibang estilo at daloy ng kwento ng mga pabula. Sumibol sa mga panahong ito ang mas mahabang bersyon ng pabulang tinawag na “beast epic”, kung saan tinatalakay ang kwento ng isang bayani, sa katawan ng isang hayop, kanyang mga katungalli at mga paglalakbay.