Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

mag bigay ng halimbawa na theory 
kung saan nag mula ang pilipinas


Sagot :

Pacific Theory, Asiatic Theory, Land Bridges Theory, Continental Drift Theory, Wave of Migration Theory (Not sure)
Teorya ng pinagmulan ng Pilipinas 

Teorya ng Tulay na Lupa 
Ang teoryang ito ay inihayag ni Fritj of Voss. Isinasaad ng teoryang ito na kabit-kabit dati ang mga lupain ng mundo at nagmukha lamang hiwa-hiwalay dahil natunaw ang mga bundok ng yelo. Ito ang naging dahilan ang paglalakbay ng mga tao sa iba't ibang kontinente. 

Teorya ng Bulkanismo 
Ito ay inilahad ni Bailey Willis. Sinasabi ng teoryang ito na ang Pilipinas ay sumulpot dahil sa malakas na puwersa at pag-galaw na naganap sa kailaliman ng dagat may 200 milyong taon ang nakalipas. 


Teorya ng Diyastropismo 
Ang diyastropismo ay ang ang pag-galaw ng ibabaw na lupa na nagsanhi ng pagkawala ng hugis ng mga bato. Napaibabaw sa tubig ang mga magagang bato at ibang materyal na tumaas kaysa sa dagat. 

Teorya ng Pagkaanod ng Kontinente (Continental Drift) 
Inalahad ito ni Alfred Wegener noong 1912. Isinasaad dito na noong 200 milyong taong nakakalipas, iisa lamang ang kontinente sa mundo, ang Pangea. Malipas ang ilang daang taon, Ito ay nahati sa sa dalawang kontinente, ang Laurasia at Gondwanaland, at nahati pa ang mga ito sa iba't ibang lupa na katulad ng sa kasalukuyan.