Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

ano ang batas ng demand at bigyan nito ng kahulugan

Sagot :

Ang Batas ng Demand ay isang pang-ekonomik na konsepto na nagsasabi na kapag ang presyo ng isang produkto o serbisyo ay tumaas, bababa ang demand para rito. Sa kabilang banda, kapag ang presyo naman ng isang produkto o serbisyo ay bumaba, tataas ang demand para rito. Ito ay sa asumpsyon na ang iba pang mga bagay ay pareho lamang (walang nagbago).

Ang Kahulugan ng Batas ng Demand

  • Ang Batas ng Demand ay isang mahalagang konsepto sa Ekonomiks.
  • Sinasabi nito na kapag ang presyo ng isang produkto o serbisyo ay tumaas, bababa ang demand para rito. Sa kabilang banda, kapag ang presyo naman ng isang produkto o serbisyo ay bumaba, tataas ang demand para rito.
  • Kailangang tandaan na ang asumpsyon para rito ay ang iba pang mga bagay ay pareho lamang (walang nagbago).

Ano ang kahulugan ng Demand?

Ang demand ay ang dami o bilang ng produkto o di kaya'y serbisyo na nais at kayang bilhin ng mga mamimili gamit ang iba't ibang presyo sa isang takdang panahon.

Ano ang Halimbawa ng Batas ng Demand?

Upang mas maintindihan ang konsepto Batas ng Demand, narito ang mga halimbawa:

  • Sinasabi ng Batas ng Demand na kapag ang presyo ng isang produkto o serbisyo ay tumaas, bababa ang demand para rito. Halimbawa: Kapag ang presyo ng isang bag ay tumaas mula sa P1,000.00 papuntang P1,700.00, bababa ang demand para rito. Mas pipiliin na lang ng mga mamimili na bumili ng iba pang bag na mas mura pero matibay rin naman.
  • Sa kabilang banda, sinasabi rin ng Batas ng Demand na kapag ang presyo naman ng isang produkto o serbisyo ay bumaba, tataas ang demand para rito. Halimbawa: Kapag ang isang mall o tindahan ay nagkaroon ng "sale" o "promo" kagaya na lamang ng "Buy 1, Take 1" o di kaya'y "50% off" kung saan ang presyo ng mga produkto o serbisyo ay bumababa, tumataas ang demand para sa mga ito. Dinudumog ng mga tao ang mall o tindahan na iyon dahil bumaba ang presyo ng mga produkto o serbisyo roon.

Iyan ang kahulugan ng Batas ng Demand.

Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:

  • Iba pang pagpapaliwanag ukol sa Batas ng Demand: https://brainly.ph/question/95172
  • Iba pang pagpapaliwanag ukol sa demand: https://brainly.ph/question/841716 at https://brainly.ph/question/538190