IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

ano ang kahulugan ng demand curve sa tagalog?

Sagot :

Answer:

Ang demand curve ay ang graph na batay sa demand schedule. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve. Kung tutuntunin ang mga puntong ito ay makabubuo ng isang kurbang pababa (downward sloping curve). Ang kurbang ito ay nagpapakita ng magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito:

https://brainly.ph/question/412647

Paglipat ng Demand Curve

Kapag may pagbabago sa demand ng isang kalakal nagkakaroon ng paglipat ang demand curve:

  1. Lumilipat ang demand curve pakaliwa kung bumababa ang demand ng kalakal.
  2. Lumilipat naman ang demand curve pakanan kung tumataas ang demand ng isang kalakal.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito:

https://brainly.ph/question/973393

Matalinong Pagpapasya, pagtugon sa pabago-bagong Demand

  • Mas makabubuti kung hindi agad susunod sa uso upang hindi agad magkaroon ng malaking pagbabago sa demand.
  • Matutung tipirin ang kita. Ang labis na paggastos ay hindi mainam. •
  • Bago bumili ng kalakal, humanap at tignan ang presyo ng kahalili at kaugnay na kalakal.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/779338