Ang suklob ay isang pangngalan na ang ibig sabihin ay takip ng sisidlan. Ito ay nangangahulugan ding pagtatakip ng anuman o di kaya ay pagpapatong-patong o pagtataob ng isang bagay na nakatihaya. Kapag ginamit itong pandiwa ay nagiging isuklob o magsuklob ito. Tingnan sa ibaba kung paano gagamitin sa pangungusap ang salitang suklob.
Halimbawa:
-Napakabigat ng suklob kaya ko ito nabitiwan.
-Kanina pa ako naghahanap ng suklob ngunit wala man lang akong makita kahit isa.
-Mayroon kaming plastik, babasagin at metal na suklob.