IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto ay sumasagot sa iyong mga tanong. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

ano ang tawag sa anyong lupa na nakausli ng pahaba at napapalibutan ng tubig?

Sagot :

Ang anyong lupa ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit at karaniwang nabibigyan ng kahulugan o katawagan  batay sa anyo at kinaroroonan nito. Mayroong iba't ibang anyong lupa sa Pilipinas gaya na lang ng kapatagan, bundok, burol,lambak, talampas, baybayin, bulubundukin, pulo, yungib, tangway, tangos at disyerto . Tangway ang tawag sa iyang anyong lupa na may korteng pahaba at nakausli at napapaligiran ng tubig. Ilan sa mga tangway na matatagpuan sa Pilipinas ay ang Bataan Peninsula, Bicol Peninsula at Zamboanga Peninsula.