Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

ANO ANG TATLONG ANTAS NG PANG URI AT HALIMBAWA NITO





Sagot :

Answer:

Pang-uri

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na ang ibig sabihin ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan.

Tatlong Antas ng Pang-uri

1. Lantay - ito ay naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip

Halimbawa:

  • Si Jeric ay mabait.
  • Si Vince ay matangkad.
  • Si ate ay masipag.
  • Si nanay ay maalalahanin.
  • Ang bulaklak na sampaguita ay mabango.

2. Pahambing – ito ay naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. Ginagamitan ito ng mga salitang mas, lalo, higit na, parehong, di gaanong, magkasing, magsing.

Halimbawa:

  • Mas matalino si Luz kaysa kay Liza.
  • Mas matangkad si Ben kaysa kay Eric.
  • Mas masipag ang magtrabaho ang kalabaw kaysa sa baka.
  • Magkasing tamis ang tsokolate at sorbetes.
  • Parehong maasim ang kamias at kalamansi.

3. Pasukdol - katangiang nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang pinaka, napaka at ubod ng.

Halimbawa:

  • Pinakamatangkad sa klase si Ellen.
  • Pinakamaganda si Joanna sa magkakapatid.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Halimbawa ng Pang-Uri; brainly.ph/question/104665

#BetterWithBrainly